spread charity like virus
April 14, 2021 nung magsimulang mag-viral yung #communitypantry sa Maginhawa-- and like a virus, it easily spread out.
COMMUNITY PANTRY “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.”
dalawang insights mula sa isang kaibigan ang ung naisip ko nung naging viral itong social mobilization na ito.
Una, naalala ko ung teaching tungkol sa mahihirap/kahirapan; na masahol na paraan ng pakikipagkapwa tao ay ang hiyain o iparamd. am sa mahirap na sila’y mahirap. Do not shame the poor. Community pantries destroyed the idea that poverty should prevent you from helping in the smallest way that you can. Na sa maliit na paraan, kaya pala nating magbahagi.
Pangalawa, we share the same vulnerabilities and struggles. There is a strong sense of realisation na yung nangyayari sa kapwa natin ngayon, pupwedeng mangyari satin bukas o sa hinaharap.
Iniisip ng mga kritiko na baka dumugin o pagkaguluhan yung mga community pantries ng mga mahihirap, pero sa mga kwentong community pantry na nabasa ko, walang ganoon. Hindi lahat ng Pilipino, mapagsamantala. Hindi lahat ng mahihirap, tamad at walang malasakit sa iba. Masyado na ata tayong nasanay sa pagkaganid nung mga nakaupo sa pwesto kaya ang tingin natin sa ordinaryong tao ay ganoon rin ang gagawin.
Kitang kita rin dito ung pakiki-ride nung mga nasa malacanang, na bayanihan daw ito. Hindi. Tigilan na ang paggamit ng resiliency para ijustify ung kawalang-bahala ng mga nakaupo para resolbahin ang gutom, kawalan ng trabaho at pagdodown play sa COVID-19. Isang malaking sampal itong mga community pantry sa inaction ng gobyerno nung pagong.
From culture of death, to culture of life. binago ng community pantry ang dating karatula ng “adik/pusher ako, huwag tularan” at pinalitan ng “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.”










