#110 BARIL AT BULKAN
Ako ay parang baril, Kapag nasaktan ng todo, O kaya nabigo sa pag-ibig, Dahil kahit naghilom na ang sugat, Kapag may kumalabit ng gatilyo nito, Bigla na lamang ito puputok, Na sigurado ikamamatay ng isang tao. Isa din akong bulkan, Tahimik at maganda tignan, Pero kapag pinuno mo ako, At sinagad ang pasensiya ko, Ang nananahimik na kalooban, Ay bigla na lamang sasabog, Kaya malamang maraming mamamatay. Copyright © 2020 BALOCSIN
















