#100 MGA SINDIKATONG MULTO
(Requested by: imizyou23, my Tiktok follower) (With the help of: Irish Armada, my fellow Anchor) May ibang lugar na pinagkakitaan, Nang hindi tama at pinerahan lamang, Kahit ito naman ay mabilis masira at magiba, Sapagkat hindi ginamitan ng matibay na materyales. Ang iba pa nga ay hindi natapos at iniwan lang, Ng nakatiwangwang kaya lalo pa nagbabaha, Sa aming syudad na imbes linisin ang mga imbornal, Ang ginagawa pa nga ay tinataasan pa ang kalsada. Dahil sa pagtaas ng kalsada ay iyong dating maayos, At hindi binabaha ay binabaha na ngayon, Kasi nakita naman na nila na maayos kalsada, Pero dahil wala maisip na proyekto kaya sinisira nila ito. Pinagmamalaki ng aming lokal na pamahalaan, Ang gagawin na proyektong pangngontra sa baha, Pero wala kami makitang resulta patungkol diyan, Dahil sa kinurakot at pinaghatian na nila ang pera natin. Copyright © 2021 BALOCSIN Disclaimer: This requested poem is related to Flood Control Project issue lately here in the Philippines.











