ANOTHER SUCCESSFUL AND WONDERFUL DAY! ♥
THANK YOU LORD. ^^.
Ngayong araw ginanap yung Christmas Party ng Sunday School. Hehe.
7am na ako nagising kanina. Tinext ko si Mae kung anong oras sila pupuntang Church.
Tas nag-ayos na ako, dinala ko na yung susuotin ko sa sayaw namin. Haha. :))
9:30am na nagsimula yung Program. Tapos may mga Special Number, nauna yung Primary, tapos next yung pa-raffle ng mga gifts. Tapos nun, nagpractice kami sa baba nung isasayaw namin. Okay naman na nung nagpractice kame. Next na sumayaw yung mga Ka-Nanayan, tapos pa-raffle ulit. Haha. Tapos kami na yung next SYA (Single Young Adult), Haha. Grabe! Kabado much ako nun, pero habang nakapwesto kami sa gitna, sabi ko kay Lord, "Lord, bigyan mo po ako ng confidence na makapagsayaw ako ng maayos". Then start na, Hihi. Natutuwa lang ako kasi, hindi ako nagkakamali ng mga steps ko, pero siguro ung timing ko sa ibang part mejo mabilis pero okay naman. ^^ Next raffle ulit, tas mga ka-Tatayan na yung nagspecial number. Ang nanalo sa 1st category ay yung Primary, (nursery, primary, intermediate) at sa 2nd category ang nanalo ay ang mga ka-nanayan (women's, men's, sya).
Tas, habang umaandar ang oras. Nalalapit na ang alas dose, dapat kasi 12 aalis na ako sa church kaso kase may kainan pa. Hahaha. Mejo kinakabahan na talaga ako kanina, kasi may pasok pa po ako. 1pm ang pasok ko at hindi ako nakauniform kanina, nakadress ako. Naisip ko nga sana pala dinala ko nalang yung gamit ko. Edi kainan na, halos mag-aalauna na nun. Pagkatapos kong kumain, umalis na ako. Grabeng pagmamadali talaga yung ginawa ko, kasi 1 na talaga nun e. Nagtricycle ako pauwi sa bahay, pagdating suot agad ng uniform, ayos ng gamit tas alis na. Nagtricycle ulit ako palabas ng RP para mabilis na. Edi habang nasa tricycle ako sabi ko Lord, sana po hindi pa nagaattendance, sana po wala pa si mam. Katext ko na din si Julie nun, sabi niya lumabas lang daw si Mam saglit. Tas pagkadating ko sa RP, sakay agad ako ng jeep ung mabilis na nga yung nasakyan ko e. Buti nalang! :) Tapos, nakasabay ko pa sa jeep si Mam Cadayong at Mam Lawan. Haha.
Pagkababa ko sa jeep, takbo agad papasok ng gate e. Lakad takbo ginawa ko, halos sumakit na talaga yung tagiliran ko nun e. :3 Tapos pagkadating ko sa classroom, woooh. Success! Wala si Mam, Pumikit ako saglit, sabi ko "Thank you Lord!" at nung mga 2 mins bigla siyang dumating, emerged. Sabi ni Grasyang, Sakto Day! haha. Grabeee! Lord, iba ka po talaga. ^^
Edi ayun naglelesson na si mam, maya-maya biglang graded recitation na! haha. Wala pa naman akong kaalam alam, pero buti nalang may libro si Mimay. Hahaha!
1-4pm yung klase ko, grabeng pag-iintay yung ginawa ko. haha. Nung una, hindi ko namalayan na alas dos na pala. Tapos, antay, antay, antay pa. Hanggang dumating yung 3:50. Wahaha! Pinauwi na kami ni Mam nun! Yess!
After class, deretso agad akong Church, dahil may Music Devotion pa! Kasi 3 Saturdays na akong hindi nakakapunta ee. :3 Pagdating ko, wala pa sila. Haha. Akala ko late ako, di pala. Tapos andun na si Pastor, tinanong ko kung may Music Devotion, sabi niya meron 4:30, e 4:30 na nun. Kaya ayun, tas nag-antay lang sa iba. Nagtanong si Kuya James, Kuya James: "Pumasok ka pa?" AKO: "Oo hehe". Kuya James: "Ano yun, pagkauwi mo pahinga saglit tas pasok na?" AKO: "Hindi, paguwi ko kanina, nagpalit lang ako ng uniform tapos alis na. hehe" Kuya James: "Tapos deretso kana dito?" AKO: "Oo. hehehe"
Tas nag-start na rin si Pastor sa pagbibigay ng message about Christmas! About Worshipping Worshipper. :)) After devotion, practice na. Eh wala pa ung musicians, tapos si Mae at ako nakatoka sa Powerpoint bukas. Lumabas muna kami, dun kami sa labas ng church. Hahaha. Andun nga si Ate Faith e. :)) Tas maya-maya dumating na si Dok galing school. Hahahaha. :)) Basta, inaasar asar na naman niya ko. Wahaha. Baliw yun e. Nagpasama si Ate faith sa palengke kay Dok para bumili ng pang exchange gift nila para bukas. Tas edi bumalik na sila, may dalang pagkain si Dok, nang-aalok, tapos bago ako kumuha, ang adik nang-asar muna, "Legend" daw, Hahaha. Kasi nung kahapon nga, Wala daw pansinan nung kumakain ako, nasa sulok daw ako na kumakain. Hahahaha. Tas kukuha na sana ako ng tinapay nun, "Nahiya pa". Tse! Hahahaha. Edi kumuha na ako. Tas nanglibre siya ng Mountain Dew samin, HAHAHA. Tas habang nilalagyan niya ako ng Mountain Dew, sabihin ko daw kung tama na. Hahaha. Tas nung sinabi kong tama na, nag-react na naman si Baliw, Hehehe. "Iba ka talaga!" Hahaha.
Tas ayun, umakyat na kami, kasi gagawin ko na ung powerpoint. HAHAHA. Si Mia na ung kasama ko sa paggawa, kasi umuwi si Mae, nabadtrip. Haha.
Ayuun, back-up singer din pala si Dok. Hahaha.
Wooh, ayuuuuuuuuuuuuun lang. ♥
Lord, ako po sa Opening and Closing bukas. Sana magawa ko ng maayos ung pagpresent bukas ng powerpoint sa harap, yung may projector na. Haha. Basta yun na yun. :D
THANK YOU PO LORD sa nakakapagod na araw, worth it lahat ng pagod. :)








