Trip to Jerusalem
Lagi akong sumasakay ng MRT. Alam ko kung gano kasiksikan pero loyal pa din ako. Gusto ko kasi ung feeling na pinagsisiksikan ung sarili. Charaught! Pero mas practical kasi pag MRT kesa babagtasin mo ang kalakhang EDSA. Baka pumuti na bulbul mo nasa trapik ka pa din.
Pag sumasakay ako from North gusto ko ung makakaupo ako, para like a boss. So pinapauna ko ung mga nasa likod ko pag alam kong di na ko aabot sa upuan. Kelangan lang handa kang saluhin lahat ng panghahawi at pambabalya ng mga barubal sa pila. Kala mong mga di makakasakay eh sarap itulak sa puwang ng MRT. Kanina, di ko alam kung ba’t ako sumakay agad kahit nag aalangan ako kung makakupo ako. Ambagal kasi nung nasa unahan ko. Kumakapit pa sa poste ng tren ang pugita di tuloy ako makasingit. De ayun na the change is coming, nagmamadali ako para makaupo. Hanggang sa lahat ng spot meron ng nakaupo. Pucha feeling ko pinagkaisahan ako ng langit at lupa. Para kong sinampal nang paulit ulit sa sakit na di ako makakaupo. SHET! It breaks my fallopian tube. Awts! Until, may nakita pa kong isang spot, dalawa kaming magtatagisan ni kuya. Saklap lang nauna sya so out na ko sa game. Tatayo ako. Buti nalang naawa ata sakin si kuya at binigay ung upuan nya. Shet. Saya. Feeling ko kumikinang ako nun. Ang ganda ko. Sa akin na ang sash! Lewl!













