Pasensya na ma, kung hindi ako nakapunta ngayong undas sa puntod mo sa pampanga, ayoko nang mag-explain pa, basta alam mo na naman na siguro ang dahilan, diba nga ikaw na yung dumalaw sa’ming magkapatid kagabi pa lang, pero bakit naman masyadong common yung ginamit mong aparisyon, bakit sa anyo pa nang Paru-paro? pwede namang sa anyo na lang ng Alitaptap eh o kaya sa anyo ng isang magandang bakla hahahaha char. Pero lalo akong kinilabutan sa’yo nung sa tapat pa nang higaan ng kapatid ko ikaw dumapo, kaya napatunayan nga namin na ikaw talaga ‘yon, pero ‘wag ka nang mag-tampo nang bongga ha, dahil hindi man kami naka-punta ngayon d’yan sa pampanga, pinag-tirik ka naman namin ng kandila, O hayan ha, tatlo pa ‘yan, para “I LOVE YOU”.
Pero sobrang miss na kasi kita mommy eh, sa kabila ng lahat ng galit, sama ng loob, tampo na nararamdaman ko ngayon sa halos lahat ng bagay, mga panahon na madalas na pakiramdam ko na wala akong kakampi, sobrang miss ko na lahat ng tagos puso mong mga litanya, na pumupunit sa matigas kong konsensya. Ma, bigyan mo pa ko ng pasensya, dahil alam mo, konti na lang, parang ayoko na.
Sorry ma. Pero sana dalawin mo na ko, kahit sa panaginip. Nakakatampo na sa dalawang taon mong wala na sa piling namin, hanggang ngayon hindi ka pa rin nag-papakita sa’kin.
I MISS YOU MA, Kailangan ko nang isang nanay.
© 11/02/2016 | Missing the most important woman that I lost.