Suspension due to suspension
Habang walang pasyente sa OR, naisipan kong bumaba sa ER dahil feeling ko toxic sila doon. Pagbaba ko occupied lahat ang 3 bed. Inakyat pa yung isa tapos ayun, tumulong ako kahit paano. Since, kasundo ko yung isang ROD na duty doon, nakuwento niya sa akin na up for suspension daw yung ilang staff sa ward. May nakapagkuwento na sa akin nun kung bakit pero di ko nalang inusisa pa, until kinuwento nga nung ROD namin kagabi.
Reason: OVERDOSE.
May order daw ng 1 teaspoon of a specific suspension para sa fever ng isang 1 year old patient. NOD asks his immediate superior for validation kung ilang ml meron sa isang teaspoon dahil ibibigay ito via medicine cup. Immediate superior said 1tsp=15ml. NOD asks his superior if he is sure of it, the superior said yes while he was dealing with other things. 1 bottle of that suspension is 25ml, patient was given 15 ml. More than a half of the bottle was given to the patient. Ang naging epekto sa pasyente? Mahimbing na pagkakatulog, it took them time to wake up the child. Wala naman naging complaint against the staff from the relative, ang kaso dahil nagkamali sila ginawan ng IR yung nangyari at ang verdict sa kanila is suspension.
The sad part is, volunteer nurses on duty that time when the incident happened was asked to leave, in short they were terminated. Isa pa naman dun sa na-terminate eh kasabayan ko from orientation. Though na-rotate na kami ng area last week at wala na rin siya sa ward, dahil siya nga daw at yung isa pang VN ay duty nung araw at shift na yun, tinerminate na sila. Hindi ako sure kung sila yung pinakiusapan ng NOD na magbigay ng gamot sa patient.
Narinig ko na rin na malupit este mahigpit talaga yung OIC ng HR Department namin. Wala siyang pinalalagpas. Nalungkot ako at the same time natatakot ako na magkamali ako termination na ang katapat.Â
Wag naman sana.
PS: 1tsp=5ml









