Kung may paniniwala ka talaga sa kanya, tatatag loob mo.
Kanina gusto ko nang umiyak dahil muntik na akong maligaw pauwi. Galing akong Anonas ba yon kung saan nagshoot kami para sa ginagawa naming documentary. Wala na yung mga kasama ko kasi iba yung way nila at nagmamatapang na naman ako kanina na sanay akong mag-isa umuwi.
Mag aalas-dose na at yung dinaanan kong lugar eh ni anino wala kang makikita. Shet lang, ang tahimik pa at ang lamig tapos walang ilaw. Gusto ko na talagang tawagan yung kuya ko para sunduin ako, kaso sira yung speaker ng cp at di ko naman ugaling magpasundo dahil ayokong nakakaistorbo at baka lalo pa silang mag-alala saken.. baka di na ako payagan gabihin dahil lagi talaga akong ginagabi.
Habang naglalakad ako kanina, nagdasal ako. Huminto ako sandali para alalahanin yung lugar. Buti nalang medyo pamilyar yung lugar at ngayon nagpapasalamat ako sa pagiging lakwatchera ko. Kung hindi dahil don, baka natulog na ako sa kalsada ngayon.
Sa kakalakad ko, nakita ko ang liwanag. I mean, natandaan ko na kung anong sasakyan pauwi sa lugar na yon. Salamat sakanya dahil nakauwi akong ligtas at maganda.
Thankyou, Lord. Thankyou.