Maraming hirap na hirap sa subject na ito--isa na ako sa kanila--at proud akong dati lang yon. Simula noong nakatapos ako ng high school ay inaral ko nang husto ang Mathematics. Isa kasi ang Math sa dahilan kaya hindi ako napasama sa Honor Roll noong 3rd Year. Masakit dahil noong First Year at Second Year, nakakasama ako sa mga matataas makakuha ng marka sa Math.
Ngayong college, mas nadalian na ako sa Math, ladderized kasi ang pagtuturo, simula sa baba pataas. Feel ko din ang teacher namin noong First Year and ayos naman. Naalala ko pa noong sinabi ni Miss sa amin:
"Marami palang pwedeng mag-Math major sa inyo eh."
Natuwa ako noon kasi that time, isa ako sa pinapunta sa board para magsagot ng isang Math Equation, at awa ng Diyos, nasagot ko.
Kung tutuusin, hindi mahirap ang Math, ang pagsasaulo lang ng equations ang mahirap. Super dami, nakakalito. Iisipin mong bakit kailangan pang sauluhin. Tapos iba pa yung itinuro sa lalabas sa exam.
Mas nadadalian kasi ako sa application, at ganoon ang Math. Sabi nga nila, sa iba daw na school, pipili ka ng imi-minor mo, kung sa amin may ganito, Math na ang imi-minor ko.