Magpahinga nalang pagkatapos maglinis
Overheard: Every man’s sentiment: Pag napagod matapos maglinisSana magpahinga na langHindi yung ika-carbon dating ang lahat sa nakaraanAt ipapaalala ang lahat ng kasalanan
View On WordPress
seen from Bulgaria

seen from Italy
seen from United States
seen from Argentina

seen from Italy
seen from Yemen
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from Russia
seen from Greece
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Spain
seen from United States
seen from China
seen from Greece
seen from United States
Magpahinga nalang pagkatapos maglinis
Overheard: Every man’s sentiment: Pag napagod matapos maglinisSana magpahinga na langHindi yung ika-carbon dating ang lahat sa nakaraanAt ipapaalala ang lahat ng kasalanan
View On WordPress

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
nag-ayos na 'ko ng study table ko.
nagayos na ako kanina kasi sabi ni mama. anggulo niya. sabog sabog na yung mga gamit ko dun. (ebidenysa na hindi talaga dun ako nagaaral at tambakan ko lang yun ng mga gamit ko.)
andami kong nakita, mga naitago kong gamit mula 1st year hanggang 4th year ko sa TagSci
 Diploma na ang lagayan ay gawa sa water lily. bagong pauso ng taguig.
 Graduation Picture na naka-photoshop. haha! astig, atleast maganda. :)
 4 na ENROLLMENT FORM simula 1st year hanggang 4th year.. pati ung application form ko for entrance exam sa tagsci...
Notebooks sa physics, chem, at calculus na itinago ko para pakinabangan sa college
Test Papers na bagsak, pasang-awa, at pasado. yung mga test papers ko lang sa physics ang tinago ko. yung iba nilagay ko na sa plastic para irecycle.Â
PRINT-OUTSÂ mga pinaprint na assignments, lessons, projects, chords, kopya para group tasks, pati mga pinaphotocopy na lectures.
Universities and colleges brochures na tinabi ko para sa masusing pagddesisyon kung saan ako magaaral.
Projects na naitago ko pa.
Slam Book na binigay nung JS na hindi ko na pinasulatan.Â
Misalet nung graduation mass sa St.Michael na sabi ni father ay maraming mali. gawa kasi yun ng magmamarunong at epal na bagong teacher. yan, pahiya tuloy.
Excuse Letter sa SSGÂ na sulat pa ni ate krizza nung termino namin nung nakaraang taon at yung letters na sulat naman ni fatima nitong huling termino namin.
Script sa mga SKITÂ na nakakatawa basahin kasi ung iba gawa ko. tapos yung iba sa mga role play naman. meron isa dun yung gawa ni NARLYN, yung KALUPI ang title tapos may namatay na bata. nakakatuwa talaga yun. sayang lang nitong 4th year kasi wala na kaming role play.
Photocopy nung drawing-drawing sa Geometry na ang alam ko eh mahirap gawin at andami kong bura-bura sa papel.
MALAKING PICTURE NG ENDOPLASMIC RETICULUM AT ISANG BUONG CELLÂ na matagal kong tinitigan at habang inaaral ko ulit yun eh naalala ko si mam galam-mamansag. :D
Polka sa Nayon at Tarantella dance notation na kami ni Sam ang nagturo. yung polka sa nayon ay sinayaw nung 2nd year at Tarantella nung 3rd year. sa gym yun sinayaw at nakakahiya. may kwento ako dun sa Tarantella namin. yung last quarter part nung sayaw ay hindi namin perfect. as in kinulang kami sa practice nun na talagang prayers na lang ang sasalba samin. tapos nung nagperform na kami, sakto pasok nung music sa part na yun ay huminto yung music. ang alam ko nalowbat yung laptop tapos nadeads at huminto yung music. huminto kami at yung mga tao eh nakatunganga samin. sabi ni mam kate mag-bow na daw kami at alis na ng stage. sunod naman kami. lungkot ako nun kasi baka mababa grade namin eh project yun. tapos sabi ni mam kate, ok lang daw, technical problem naman daw yun tapos nung nasilip ko yung grade namin na sinulat ni mam, 91 yung nakalagay. ang saya ko. siguro kung hindi nagkaganun, mas mababa pa sa 91 yung nakuha namin kasi magkakalat na kami. hahah
SURPRISE na messeges sakin ng classmates ko nung sapphire pa kami para sa birthday ko na nakasulat sa dalawang colored paper na nakadikit sa loob ng long folder. nakakatuwa basahin at nakatago pa rin un sakin. :D
Filipino Journal na binasa ko na naman at nakakatawa yung mga nakasulat dun :D
reminders sa iba't-ibang araw na kung saan saan ko sinusulat, sa notebook, sa libro, sa scratch paper.
GROUP CHEERS na angkokorni ng lyrics. hahaha! pero kaylangan talaga yan sa high school life. may kasama pa yang dance steps, palakpak, beats, at formations with transitions pa kung mautak leader. hahaha!
Kalat kalat na notes sa mapeh na halatang walang kwenta dahil kung saan saang notebook ko lang sinulat.Â
Class pictures na sa tuwing nakikita ko eh bigla na lang akong mapapaupo at titignan ang bawat mukha na nasa litrato...:D sabay flashback ng mga ala-ala kasama sila...
yan, madami yan. pramis. napagod nga ako maglinis eh. haha!
may mga tinapon ako, pero yung mga pakikinabangan ko pa at yung mga may sentimental value para sa akin, tinago ko. :)))
Ang Walis at ang Broom
Lahat ng mga paaralan at mga Pamantasan sa Pilipinas ay mayroon nang kinagisnan na mga tradisyon at paniniwala na kailangan nilang isagawa upang mapanatiling buhay ang kanilang adhikain at ang apoy ng nag-aalab na kaalaman. Mga tradisyon kung saan, laksang mga isip ang makikinabang at mapagliliwanang nang sa gayo'y ang bansang dati nang lugmok sa putik ng kahirapan ay umahon at maipamalas sa buong mundo na siya ang nag-iisang Perlas ng Silangan.
Subalit aking napansin na masyadong naging mabulaklak ang aking ginamit na mga salita at wala naman talagang kinalaman iyong aking panimula sa kung ano ba talaga ang nais kong ilahad.
What I am trying to say lang naman is that, yung University namin ay may isinasagawang activity every semester wherein the students are required to participate. Dahil isang State University ang aming pamantasan ay hindi talaga ganoong kalaki ang allocated budget para malinis ng bongga ang aming paaralan. Kaya naman nakaisip ng isang magandang paraan ang pamunuan upang makatipid at maisagawa ang malawakang paglilinis ng aming University.
At doon nabuo ang konsepto ng Field Day.
Ang Field Day ay isang event sa aming University na ginagawa every sem kung saan ang mga estudyante ay inaasahang pumunta at maglinis ng kung anumang pwedeng linisin. Kapag sinabing linis, hindi lang yung linis na walis konti tapos uwi na. Ang ibig sabihin ng linis ay yung magbubunot ka ng damo sa buong Oval, magbubungkal ka ng lupa dahil maghahanap ka ng vintage bomb, aayusin mo at i-a-arrange ang mga libro sa Library niyong hanggang 5th floor according sa Library of Congress System, ibubuwis ang buhay dahil kailangang alisan ng lumot at damong ligaw ang balkonahe ng building niyo sa 3rd floor at 4th floor, at ang alisan ng kalawang ang mga upuan sa buong college niyo.
Noong First Year ako, tuwang-tuwa ako kasi mayroon daw ngang Field Day ang University namin. Akala ko nga noong una, parang Foundation Day lang, kasi walang klase Universitywide. Pero parang sinampal lang ako kasi paglilinisin lang pala kami ng University namin.
Just imagine na lang kung gaano kadugo yung mga pinapagawa sa amin. Kaya naman, mas okay kung nakasibilyan ka kung aattend ng Field Day. Kaso biglang binali ng Univ ang nakagisnan. Ang sabi ba naman sa Memo ay naka-uniform daw dapat at magdala na lang ng working clothes. Ang sarap lang kasi gusto pa nilang pahirapan yung mga estudyante na magpalit pa ng damit. Papapasukin ng naka-uniform tapos pagbibihisin din. Edi sana pinayagan na lang pumasok ng nakasibilyan.
So, what I did is pumasok ako ng naka-uniform. Kasi nga, yun daw ang nakalagay sa memo. E anak ng pating na nirape ni Maria del Barrio, pagsakay ko ng jeep papunta sa Univ namin, ako lang ang naka-uniform. Ako lang. Ang sarap lang sa pakiramdam kasi lahat sila naka-ID at nakasibilyan tapos ako nakapolo, slacks at leather shoes pa.
Pero, kahit na ganun, pagdating ko ng school, natawa ako sa attire ng mga tao. Iba-iba. Yung iba talaga, pumorma ng bongga. Yung iba, nevermind. Tapos yung iba, naka-uniform. Natawa lang ako dun sa iba kasi akala mo aattend sila ng JS sa mga suot nila. Meron pa nga akong nakita na mga naka-dress tapos naka-balloon dress din. Yung iba, polo kung polo. Sabi ko na lang sa sarili ko noon, Alam ba nila ang pupuntahan nila? Imagine them na nagbubuhat ng paso tapos ganoon ang suot nila.
Pero nakakaawa yung mga Nursing students na naka-uniform din tapos pinag-aalis ng agiw at pinagdudungkal ng damo.
Mahirap talaga mag-aral sa isang State University. Hindi naman kasi talaga ganoon kalaki ang mga budget na nakukuha nila from the National Government. Maliban na lang sa isang University. Aside from the fact na hindi na nga kumpleto ang mga facilities and rooms sa mga University na ito, minsan kagaya namin, napapaglinis pa kasi walang budget.
I guess ganoon talaga ang buhay at ang pulitika sa Pilipinas. Wala tayong magagawa, sila ang may hawak ng pera ng bayan e.