Nag re reminisce ako..
Kasalukuyang alas 2 en punto ng madaling araw dito sa dorm ko, at ako'y matutulog na dapat. Sa sobrang ka stressan ko, nag hanap ako ng mga anime, as usual, yung greatest stress reliever ko. Sobrang thankful ako na hinayaan ako ng magulang ko manood ng mga ganito. Kasi kung hindi malamang, loka loka na ako ngayon.
Habang tumatanda na ako nagiging busy na ako, lalo na't nursing pa yung kinuha ko. Nawawalan na ako ng panahon para mag basa at manood ng anime, live action jdrama  at movies. Hindi kagaya nung High School ako, nako nabubuhay ako sa mundo ng anime. Buti nga at may mga kaibigan pa ako eh.Â
Anyway, namimiss ko kasi yung mga anime nung 90s. Yung tipong pinapanood ko lang siya dati pero hindi ko talaga siya maintindihan. Nung pinanood ko na ulit siya ngayon, ay talaga naman, nakakamiss maging bata. Lalo na yung Samurai X, Inuyasha, Flame of Recca, Detective Conan, Fushigi Yuugi, Ghost Fighter, Slam Dunk, Doraemon, Mojacko, Cardcaptor Sakura at napakarami pang iba ay grabe lang talaga. Kung ako bibigyan ng panahon para panoorin silang lahat gagawin ko. Siguro hindi na ako makakausap nun ng matino.Â
Pero dahil na iistress ako ngayon, ayan na naman ako, sa anime mode ko. Mula sa music hanggang sa wallpaper ng mga telepono ko. Sobrang natouch lang ako nung nakita ko si NURIKO ulit, after couple of years. Ang dami ko na kasing crush na hollywood ngayon eh. As in sobraaa. Ayaw ko ngang masapawan nila yung mga anime eh, pero nahihilig na rin ako sa Hollywood. Ibig sabihin ba nun, nag mamature ako ng konti? Shet ayaw ko. Anime pa rin akooo. Iba pa rin ang therapy ko sa anime. Siguro hanggang sa pag tanda ko, kahit uugod uugod na ako, ikkwento ko pa din sa mga apo ko yung mga anime na kinahumalingan ko nung kabataan ko.Â
Kahit wala akong outside doors childhood memories, sobrang masaya pa din ako dahil may anime ako, at ginagamit ko siyang stress reliever ngayon. Sobrang namiss ko lang yung 90s lalo na si Kenshin.
O siya, ako'y matutulog na. Ayujn lang good night. Matagal tagal na din nung huli ako nag post ng saloobin ko. Sorry kung tagalog. Next time, english naman. :)








