Love is everywhere, Ulimited and Free My Red Shirt Guy
Since hindi ako maka get over at maka move on sa mga pangyayare ngayon, gusto kong ipagsigawan ang kilig na aking nararamdaman ngayon. Sunday. August 17, 2014, 4:30am. Gising na ang Binibini, nagising ako sa lakas ng Alarm Clock. Sa lakas niya gusto ko na siya ibato, grabe kasi yung lakas parang kampana. Naligo. Nagteethbrush. Nag ayos. Nang gising ng Nanay na mahimbing ang tulog. Ewan ko, iba yung feeling ko that day kaya nag ayos ako ng bonggang bongga at sinuot ang pinakamaganda kong outfit, siguro kasi nakutuban ko na may magandang mangyayare sa araw ko. Kaya hindi ko namalayang 15 minutes na lang ay 6am na. Juice Colored! Kaya dalidali kung ginising si Mother Earth, kahit bagong gising ayun bongga mag drive, akala ko nakasakay ako sa rides ng EK. Pero buti na lang at thanks to her, sa bilis niya 7:23am to be exact nasa dorm na ko. Akala ko talaga malalate ako. Sabay kaming pumasok ni Nina. Dahil sit in lang kami ni Nina together with Mike, Tinay, Rio and Rhiza kumuha kami 6 Monobloc . Grabe ang hirap kayang mag hanap at mag pasok n monobloc, anim pa yun ha. Pero may upuan namin kami, for backup lang yung monobloc in case na ma evict kami kasi pumasok yung totoong nakaupo dun. Pero that day hindi ako evicted si Nina at Rhiza lang. Unang subject P2, simula na ng discussion nang mapansin ko itong guy na tawagin na lang nating RedShirt guy. Naghahanap siya ng vacant seat. Ayun nakahanap naman siya sa may unahan namin. Unang kita ko pa lang Juice Colored!! Ang gwapo! Crush ko na to! Muli ko siyang nasilayan nung nagbreak at pumasok yung totoong naka upo sa inupuan niya. Kaya lumipat siya ng upuan, this time medyo napalayo na ko sa kanya. Medyo na sad ako. Nang matapos yung P2 nag room 4 na ako para sa Tax. Kaya naiwan ko si RedShirt at yung mga friendship ko. After tax, balik room 1 na ulit ako para sa Law. Umalis na dun sila Rio, Mike, Nina, Rhizza at Tinay. Iniwan nila kong nag iisa. Pero okay lang kasi room 1 naman si Rodel at ang aking new friendship na si Lester. Maraming nagsasabi siguro 126 na silang nagsabi na kamukha ko nga daw itong si Lester. Nandun din si Zia, nagsisit in din kasi siya sa Law. Umupo ako sa harap ni Rodel, na malapit namin sa kinauupuan ni RedShirt. May mga time na tumititig ako kay RedShirt kasi nga ang gwapo niya super. Maraming beses din niya akong nahuli. Pero ako dedma kunwari di siya yung tinitingnan ko. Kunwari tagusan sa kanya yung tingin ko. Hahaha Break time at lumabas siya. Ako naman napapatingin sa kanya at siya rin. Kaya habang papalabas siya nagtititigan kami. Naka dalawang labas siya nung break time. Take note dun siya dumadaan sa gilid ko. Ako naman naka harap yung body ko sa dadaanan niya kasi baka malay ko magdikit yung katawan namin at ma feel ko siya. Ayun award naman, nagdikit ang aming katawan. Dahil nagkatitigan kami habang palabas siya hinabol ko siya ng tingin at siya rin. Juice Colored! Head turner ang peg naming dalawa. Napansin yun ni Rodel, kaya ayun inasar nila ko. Kung type ko daw ba ilalakad niya daw ako kakilala niya daw. Pero sa totoo lang hindi naman niya ata kakilala. Kaya ayun after nun nag behave na ko. Pasimple na lang yung tingin ko. And music plays sa aking mga tenga yung kantang "Pasulyap sulyap pa kunwari, patingin tingin kay toot toot" Hahahaha. Buong time ng law ganun ang ginawa ko. Second Break sa Law. Every hour kasi may break kasi napupuno na yung whiteboard kaya pinapabura niya sa Utilities Boyssss nang CPAR. Ayun lumabas ulit siya pero this time isang beses. History repeats naman ang peg. Habang lumabas siya eye to eye kami. Hahaha Napansin ulit nila Rodel yun. Kaya tawanan ulit kami, ang pogi kasi niya tapos siguro nagagandahan siya saken, ang ganda ko kasi nung araw at time na yun. Habang naghihintay kay Atty. D, biglang may naramdaman akong dumikit sa body ko. Nung nakita ko si RedShirt pala. Grabe nung time na yun feeling ko nasa Heaven ako. Naramdaman ko ang lahat. Dahil sa pangyayare na yun tumingin ako sa kanya paitaas kasi ako nakaupo at siya nasa tabi ko nakatayo habang magkadikit yung body namin. Magkatitigan kami at nakangiti parehas. Nag sorry siya at hinaplos yung balikat ko, as in haplos mga 5 seconds or more pa nga e. Pero ngumiti lang ako pero nasa isip ko sige lang tagalan mo, nag eenjoy ako. Grabe kinikilig ako. 6pm.Pagkauwe ko sa dorm, lutang pa rin ako sa pangyayare. Dapat uuwe akong Rizal ng bandang 9pm kasi inaantok ako iiglip muna ako pero bandang 2am na ko nagising. Naka ilang missed call na pala si Mother Earth. Hala patay, Anyare kaya? Dahil sa gutom lumabas ako at pumunta sa Mini Stop para kumain. Etong si kuyang Ministop chinichika ako may gusto ata saken. Hahaha chos. Bored lang siya kaya niya ako kinausap. Naka dalawang fit n right ako ang sarap kasi nung 4Season yung pangalawa ko napansin ko may caffeine pala ang fit n right. Kaya dahilan narin para 6am na ko matulog ulit, ewan ko ba kung dahil sa ininom ko o dahil lang iniisip ko na di ako matutulog dahil nainom ako ng caffeine at inisip si RedShirt. Nagising ako ng 11am na. Aba matinde! Kaya pumunta nalang akong CPAR at nag take ng exam ng deloitte. Nang muli kong makita si RedShirt. Hindi ko na ikukwento yung pagkatapos naming muling magkita. PS: Tadhana na ang gumawa ng paraan upang magkrus ang aming mga landas. Ang masakit lang hindi ko alam ang pangalan niya at ganun din siya. Umuwe kami nang hindi niya nalalaman na DueWell ang name ko at akoy may pag tingin sa kanya. Sa susunod na kabanata sana maging mas malapit pa kami sa isat isa at magdikit muli ang mga butuin.












