Updating my life after Pandemic (March 7,2023)
Magandang gabi! Ang tagal di ako nakapag sulat after Pandemic. 2 years naka lipas ang pangyayari sa akin buhay. Nasa Cebu ako ng November 2021 hanggang January 2022. Di ako nakapag update kc sobrang busy ako mag-alaga ng manok at kambng sa bukid. Masasabi ko sobrang boring para sa taong katulad ko lumaki sa siyudad. Mas na gustuhan ko na libot ko. Ang ibang siyudad kahit sobrang nakaka pagod mag biyahe. Tapos sariwa mga gulay na galing sa amin pananim pati sariwa din ang isda na bagong huli sa dagat na bini benta sa palengke ng Medellin. Fast forward tayo umuwi kami ng 2nd week of January ng 2022 kc inatake ng sakit sa binti c ermat. Kaya tumagal kami ng isang buwan kaya sumunod c erpat sa amin. Nang 2nd week ng February 2022 nagsimula ulit ako mag work sa Algarr bilang Admin. Kung tutuusin wala talaga akong job title. Ako lang nag bigay ng title sa akin sarili na HR Manager para mabilis document processing sa government agency. Ngayon sobrang under pressure ako... Na stress ako sa akin erpat at ermat na masakit mag-salita at mahilig ako pahiyain sa harap ng ibang tao kahit sa chat at in person.












