the truth is, i'm in pain
at walang nakakaalam kasi ayoko rin namang sabihin sa kanila. ewan ko kasi nasanay ako na maging source ng happiness ng iba kaya kapag nakakaramdam ako ng lungkot kahit kinakain na ako ng sadness na 'yon pinapabayan ko na lang kasi parang hindi ako pwedeng maging malungkot ganon kasi parang ang daming may kailangan ng happiness na kaya kong ibigay.
at ewan ko rin ba kung bakit pakiramdam ko ang daming kulang sa akin. sobrang hirap para sa akin kasi hindi ko alam kung sino talaga yung dapat kong sabihan ng mga problemang bumabagabag sa dibdib ko. kahit hirap na hirap na akong kimkimin, kahit minsan naiisip kong sumuko na lang, wala akong magawa kasi im too scared to open up to someone. parang mali, parang hindi pwede at parang nakakahiya kasi lahat naman kami may kaniya-kaniyang problema pero eto ako masyado kong dinidibdib yung akin.
hay ewan ko ba sana sa bagong taon na ito matutunan ko nang tanggapin sa sarili ko kung ano at sino talaga yung mga nagpaparamdam sa akin ng lungkot. at pagkatapos sana matutunan ko ring magpatawad kahit hindi sila humingi ng tawad patatawarin ko na lang sila kasi para sa sarili ko rin naman 'yon mas magiging okay rin naman ako kapag ginawa ko 'yun. at lastly sana mas mahalin ko pa ang sarili ko kasi napapansin kong bigay ako ng bigay ng happiness sa ibang tao tapos hindi ko namamalayang wala na pala akong nakukuha in return. i mean wala namang masama sa pagbibigay ng happiness sa iba at gusto ko rin namang happy sila lahat pero sana marealize at mapansin din nilang lahat tayo kailangan ng happiness at lahat tayo kailangan 'yong ibigay sa isa't isa.