Kukwento ko lang ung araw na nandun ako sa bahay ng ex ko..
Di ako sanay na andun sa loob ng kwarto niya na hindi siya kasama. Naalala ko tuloy mga 11pm na nun, after SNN.. mgpapamasahe na sya at mgpapakamot para alng makatulog na siya. Ang hirap. Ang sakit. Bigat sa pakiramdam. Tas tatanong pa ng ate, kuya, erpat niya kung bakit hindi ko siya kasama. Hindi ko alam anong sasabihn ko. Naluluha na lang ako nung sinabi ko sa ate niya na 1 month na kaming di nguusap. at sabi niya, "Kayo na nga lang magkakampi at magkasama, gumanyan pa kayo.." Gusto ko sumagot. Sasabihin ko sana, "Meron na po siyang ibang kakampi at nakakasama.." Kaso hinayaan ko nalang.. Kung hindi ko lang siguro kailangan mga gamit ko dun hindi ko un kukunin dun.
Nakakalungkot. Sobra. :(((((
Dun sa cabinet niya may iniwan akong note, sabi ko..
"GOT MY THINGS. THANK YOU FOR EVERYTHING. STAY HAPPY."
Andaming nasira at nasayang na oras at pagkakataon. :'(