Dati, gusto ko ng matapos mag-aral at magkatrabaho. Ngayon, sa tuwing may nakikita o nakakasabay na naka uniform na ayaw tanggalin ang ID (Okay) plus name plate, o 'di kaya naman yung pumapasok sa school.. Yung ganyan, tapos matutulog ng late para mag-aral, mag-review ng 100+ power point presentation ng professor na kahit basahin mo yun wala naman lalabas sa exam at mga "handouts" tsaka mga notes, pupunta sa duty, maghahabol ng cases kasi may kulang ka pa depende kung OR or DR Cases. Tapos tipong gagawa ka pa ng Case Study, Drug Study, NCP, NP, tapos magrereview ka pa sa quiz sa duty mo.
Yan kasi yung nakakamiss, lalong lalo na yung magsuot ng Nursing Cap + Duty Uniform (White lady in short, hahaha) habang nagduduty. Lalo kapag yung mga Clients mo, magtethank you sa'yo after ng shift mo at kahit na Student Nurse ka palang ang tingin na sa'yo parang Registered Nurse na rin.. Na kahit ang ginawa mo lang naman the whole shift ay yung magbigay ng Meds, ang pinakafavorite ng lahat ng SN ay ang VITAL SIGN, tapos magiinterview. Swerte ka na rin kung ang napuntang room sa'yo yung may aircon plus may tv. Minsan papa-stay ka pa dun ng Guardian at sasabihin "Dito ka muna, nuod muna tayo". Tapos magtataka nalang yung C.I kung bakit wala na sa SN's Lounge ang isang estudyante. Nakakamiss rin yung nagcocommute ako papunta sa duty kahit ayaw nila mommy kasi rin naman delikado. Pero gusto ko rin masabi na "Ang traffic" "Ang daming tao sa MRT" "Sik-sikan nga sa MRT". Minsan kasi kasabay ko rin dati yung mga ka-groupmates ko, though pa-north ako at minsan mag-isa lang ako papuntang North Ave./ Quezon Ave. kasi yung kasabay ko nagbubus nalang dahil may alternative route siya papuntang kanila, so, ako nalang mag-isa. Minsan nga kahit sobrang pagod na ako pupunta pa ako ng TriNoma para lang bumili sa DQ, treat ko na rin yun sa sarili ko after 8 hours shift at para matanggal na rin ang stress. Nakakamiss rin yung night shift kasi minsan kumakain kami ng mga 12 am, o 'di kaya naman nagkekwentuhan ng nakakatakot mga tipong SFOGS pa ang pinag-uuspan (Elem & HS days nga naman na-uso yan) o di kaya may quiz. Yes! Quiz sa madaling araw.. Tapos Vital Signs at magpapainom nanaman sa mga Clients na natutulog, nakakahiya rin syempre.. Pero kailangan makapal ang mukha eh. Tapos gagawa pa ng Charting! Isa sa mga nakakainis na ginagawa yan. Haaay.
Pero ang nakakamiss sa lahat, yung bonding namin magkakagroupmates, kahit anong shift kami (Morning-Afternoon-Evening), Double Duty yan o Hindi, masaya pa rin kami..
Nakakamiss nga naman yung mga dating ginagawa mo, na ngayon isang ala-ala nalang. Ngayon, review nalang para sa Board Exam.. Isa nanamang kalbaryo para sa'kin dahil gusto ko rin na 1 take lang yun. Gusto ko na rin magkaroon ng License, gusto ko na rin magkatrabaho o 'di kaya mag-aral muli. Masayang mag-aral kapag gusto mo yung ginagawa mo. At kahit alam kong sobrang dami na ng Nurses ngayon na unemployed, at least nagkaroon ng License. Fulfilling kasi yun sa katulad kong kumuha ng kurso na yan. Ang mahirap lang yung maghanap ng trabaho lalong lalo na sa Hospital. Gusto ko rin ma-practice yung pinag-aralan ko.
Minsan naisip ko sana hindi nalang Nursing kinuha ko.. Sana iba nalang. 'Di bale na, makapasa lang ako.. Makakapasa ako. :)