Minsan dumadating sa panahong hindi ko alam kung saan ako pupunta. Lumalangoy sa maraming desisyong mahirap languyin. Parang naiwan sa gitna ng dagat mag isa.
Hindi katulad nang maraming kong batch mate noong high school, mabilis silang nag dalaga at nag binata. Halos lahat na ng mga kaibigan ko ay nagkaroon agad noon ng pimples, tinubuan na ng buhok sa kilikili, at nag kabigote. Samantalang ako, wala man lang buhok sa legs na ang tagal kong pinangarap.
Hindi ako noon makapaghintay tumanda. Atat magkaroon ng balbas at sariling ATM na naka-ukit ang pangalan. Sabik na sabik lumangoy sa mas malalaking pang responsibilidad.
Isa sa mga admission interview ko noong college, tinanong ako kung ano ang pangarap ko sa buhay. Simple lang naman ang pangarap ko: maging successful sa Advertising, para magkaroon ng sariling condo. Katulad sa mga napapanood ko sa mga pelikula, gusto kong mahirapan magbukas ng pinto kakahanap ng susi, habang may kagat-kagat na pizza, at may hawak na grocery paper sack sa kabilang kamay.
Takot ang sumagot ng edad. Hanggang ngayon kasi na pag iiwanan pa rin ako. Halos lahat ng mga ka edad ko mayroon ng anak, successful sa trabaho, at mga nag iipon na para makabili ng sarili nilang mga bahay. Maliwanag ang mga dagat na nilalangoyan nila. Alam kung saan ang pupuntahan.
Twenty-fucking-eight years old.
Hindi ako naging successful sa Advertising. Wala pa rin akong balbas. May sapat na kinikita sa pag de-design. Nakatira ako sa sarili kong inuumpahang bahay. Minsan na rin nahirapan magbukas ng pinto kakahanap ng susi, habang may kagat-kagat na pizza, at may hawak na grocery paper sack sa kabilang kamay.
Bawat padyak ng mga paa ko papalayo sa pampang ay siya ring paglaki nang alon ng mga responsibilidad. Madalas, halos malunod na sa mga dumarating na problema.
Sobrang dilim, nakakatakot.Ā
Wala pa rin akong siguradong pupuntahan. Pero ang alam ko lang sa ngayon, kahit huli man at pagod, dapatĀ ay 'wag akong tumigil lumangoy.
Sabi nga ni Dory ājust keep swimming.āĀ














