Bombang nakahihimatay
Naranasan mo na bang makaapak ng kasuklam suklam na napakabahong bomba na sa sobrang lambot ay mapapakapit ng mahigpit sa iyong sapatos o tsinelas?
Kasi ako natikman ko na, Ohh baka akala mo yung TAE! Ang ibig kong sabihin yung pagkakataon na maapakan ang bombang puno ng galit na nagmula sa kahayupan na bituka ng aso, pwede rin naman ng tao.
Minsan nakapagtataka rin no sa dami dami ng tataihan ng tao este ASO, eh sa gitna pa ng daan pwede naman sa lupa. Minsan pa nga mas madalas sa gilid ng daan yun yung jackpot na mas mataas yung chance na maapakan!
Tapos umagang umaga tuwing papasok ka sa skwelahan nag mamala ninja ka pa sa pag iwas sa bwisit na kataihan na yan! Pasensya na mga kapitbahay nag lalabas lang ng sama ng loob. Nakatapak lang kasi kaninang umaga.
Napaka memorable nitong araw na ito hindi mabura sa isipan ko at pati narin sa sapatos ko ang bakas ng napakalabsak na dumi ng isang Aso.
Kadiring nagmamahal,
Aliberto
(Napakadugyot ng aking tala ngayung araw mga kapit-bahay ngunit patawad nais ko lamang mailabas ang puot na nararamdaman ko ngayung araw Feb 9,2014)















