Entry 1: September 13, 2011
Hindi naman araw-araw akong maglalagay ng entry dito. Ang tamad ko lang kasi magsulat, kaya type then share nalang. Well, wala naman akong ipo-post na masyasong personal dito. Puro kwento lang 'to, basahin mo kung ika'y interesado. GAME!
Red Alert! *oh girls syempre alam niyo na yan. Kaso nasaktong PE class namin ngayon. Nakapaghanda na ako ng speech ko sa prof ko kung paano ko sasabihing meron ako tapos biglang wala palang gagawin activity ngayon. Dapat nga final exam na namin (written) pero nagpumilit kaming manunuod nalang kami ng NCAA. Ayun, pinayagan naman. Manunuod kami ng laban sa friday, tapos yun na yung final exam namin.
Siomai, finals na nga pala. Late nagstart ang school namin ng first sem pero kami naman ang unang matatapos. Parang nakakalungkot, saglit ko lang nakasama yung mga unang bagong tao sa buhay ko (nakanang!). Pero masaya ako kasi kahit sa kaunting oras na 'yon, hindi man lahat ka-close ko, at least masasabi kong lahat naging kaibigan ko. Nagkayayaan nga na mag-outing daw after finals, gusto ko sumama.. kaya mag-iisip na ako ng script at play para sa nanay at tatay ko. (sama ko talaga poreber).
Ayun nga, sabi ko finals na. Nakakakaba. Ayoko kasing bumagsak kahit sa anong subject (sino nga ba naman ang may gusto?). Pero kasi sabi nila, normal lang daw talaga na sa isang sem, meron kang kahit isang maibabagsak na subject kung taga-Mapua ka. Eh kasama sa pangarap kong mapabilang sa mga graduates ng Mapua na walang ibinagsak ni kahit isang subject. Mataas akong mangarap, ganun talaga.
Grabe, ang daming nangyari sa loob lang dalawa at kalahating buwan. Mamimiss ko yung mga kalokohan ng blockmates ko na kahit di ka naman kasama sa trip eh matatawa ka nalang. Lalo na sila kuya Arius. Though nag usap-usap naman na kami nung mga masasabi kong ka-close ko sa block, parang mas gusto ko nalang na sila nalang ulit. Magbabawas lang ng may sabit at sobrang ketek (ang sama ko nanaman).
Uy! After ilang days, nagparamdam na ulit si Axl! Teka, kinwento ko na ba kung sino siya? Ah basta, saka na.
Woh, hindi nga? 2:25 na pala? sheeeez. Parang napasama pa atang nagkaroon ako ng tattoo dito sa apartment. Di ko nagawa yung pointilism ko. Osya, sya. Matutulog na ako. 9 pa pasok ko mamaya.