Punta kaya ako ng customer care center sa SM mamaya. Baka dun may mag-care na talaga saken.

seen from Canada

seen from United States

seen from Russia
seen from Brazil
seen from Netherlands
seen from T1

seen from Russia
seen from France
seen from T1
seen from Israel
seen from Russia

seen from T1
seen from United States

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United States

seen from Russia

seen from United States
seen from Yemen
Punta kaya ako ng customer care center sa SM mamaya. Baka dun may mag-care na talaga saken.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
19 Signs na Ikaw ay Brokenhearted
1. Kapag tinanong ka ng friends mo kung may problema ka, ang sagot mo, "Okay lang ako". Pero namumugto yung mata mo. Tapos madalas ka lang nasa sulok, tahimik at binibilang yung pores mo sa ilong.
2. Matagal kang nakatingin sa kawalan. Mga 12 hours.
3. Habang nanonood ka ng GGV bigla kang naiyak. Tapos ang dahilan mo sa katabi mo, "napuwing" ka lang.Â
4. Winewelcome mo lahat ng lumalandi sa'yo. Kahit hindi mo type, ine-entertain mo, makalimot ka lang.
5. Parating kang nagpopost ng mga bitter na quotes at mga parinig. Akala mo malalim ang pinaghugutan, nag-copy-paste lang naman.
6. Madalas kang mag-aya ng inuman sa tropa. Nag-aaya kang uminom ng muriatic acid para matapos na lahat ng paghihirap mo.
7. Naluluha ka sa kahit na anong kanta - kahit sa Gangnam Style o Lupang Hinirang.
8. Parati kang puyat kakatitig sa kisame o di naman kaya busy ka sa pagbibilang ng mga butas sa Sky Flakes. Nililibang mo nalang ang sarili mo habang siya masaya sa piling ng iba.
9. Madalas ka maghanap ng atensyon. Halos araw-araw kang nagpapahabol sa mga aso sa compound nyo habang nakahubo't hubad.
10. Napapadalas ang pagkain mo ng ampalaya. Kinakain mo kahit hilaw. Ginawa mong biskwit.
11. Tumatalas ang memorya mo. Madali mong makabisado ang lyrics ng mga kanta dahil dinadama mo talaga ang bawat linya. Naghahanap ka kase ng lyrics na makakarelate ka para may maipost ka sa FB.
12. Kapag nakasakay sa bus, mas gusto mo pumwesto sa tabi ng bintana. Tapos sasandal ka sa malamig na salamin. Lakas makareminisce lalo na kung aircon bus.Â
13. Nagbago ka ng cellphone number. Yung luma mong sim, binali mo at ipinakain mo sa aso. Pero yung number nya, kabisado mo pa din. Trip mo lang lokohin ang sarili mo at magsayang ng effort at pera.
14. Kapag naglalakad ka, parating slow-mo. Feeling mo astronaut ka.
15. Kapag umuulan, imbes na isilong mo yung mga damit, nagpapaulan ka habang nakatingala ka sa langit at sumisigaw ng "Baket nangyare saken 'to?! BAKEEEEEEEEEEEEEHT?!"
16. Madalas kang magpost ng "I love my friends!" o "I love my family!". Pero nung kayo pa halos wala kang pakielam sa mundo.Â
17. Napapahawak ka sa dibdib mo nang mahigpit sa tuwing naririnig mo yung kantang "I love you, Goodbye" sa radyo. Napapakagat-labi ka naman kapag "Wrecking Ball" yung naka-play.Â
18. Nababadtrip ka sa lovestory ng iba. Sa tuwing nakikita ka ng magjowang naglalampungan sa sidewalk, kumukuha ka ng itak at naghahanap ng away.Â
19. Madalas kang sabaw, lutang at wala sa sarili. Naipang-shampoo mo yung feminine wash mo, tapos Kiwi yung naipahid mo sa kili-kili mo at Rexona yung ipinangkaskas mo sa sapatos mo.
Napakadami pang signs na hindi nabanggit. Para sa karagdagang impormasyon, puntahan at kalabitin lamang ang pinakamalapit na brokenhearted sa lugar nyo. Nagkalat lang sila dyan sa tabi-tabi.
May mga pagkakataon nga siguro na kahit alam na niyang masasaktan lang siya bandang dulo, patuloy pa ring nagmamahal ang isang tao. May iba kaseng naniniwala na ang pag-ibig ay para lang paghiga sa isang maayos na kama. Nakakatakot humiga kase ayaw nating masira yung pagkakaayos nito. Pero ang sarap humiga sa maayos na kama eh. Gumulo at magkalukot-lukot man ito in the process, eh ano naman? Parati namang darating ang umaga at yun ang perfect time para bumangon at ayusin ang lahat ng gusot na ginawa mo buong magdamag.
Ang sarap kaya sa feeling ng ganun. Yung kahit ilang ulit kang masakatan at mabigo, sa huli, matatagpuan mo na lang ang sarili mong nagmamahal muli. Siguro nga, hindi napapagod magmahal ang ating puso. Maaari itong masaktan, masugatan o maging bato pansamanatala, pero hindi yan tumitigil sa pagtibok. Naging bato yan para sa isang tao kung minsan, ngunit hindi para sa lahat. Napapagod ang puso pero hindi yan tumitigil magmahal, hinihintay lang niyan yung taong makakapagpabalik ng dati nitong sigla.
Good News na Bad News
Good News: Nagsasalita na si baby! Bad News: First word nya: "charot!"
Good News: Nagtext si crush! Bad News: G@nIt0eH xAh mH4gr3pLy
Good News: Mahal ka na ng nililigawan mong animal-lover. Bad News: Minahal ka nya dahil mukha kang hayop .
Good News: Ikaw ang Topnotcher sa libo-libong estudyanteng nag-Board Exams! Bad News: Kumalat yung sex video nyo ni Inday.
Good News: Kinilig yung nililigawan mo matapos mo syang sabihan ng, "Ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko! Kaya kong hamakin ang kahit na sino, masunod ka lamang!" Bad News: Nadinig ng nanay mo. Kaya hindi ka binigyan ng allowance. Grounded ka pa lumabas ng bahay for one month.
Good News: Lahat ng chicks sa jeep nakatingin sayo. Bad News: Bukas ang zipper ng pantalon mo.
Good News: Taeng-tae ka na tapos nakakita ka ng CR Bad News: May bayad na P10 ang pagtae. P5 lang pera mo. Tapos walang puso pa yung nagbabantay sa pinto ng CR.
Good News: Exams na bukas. Pero a month before the exams nagrereview ka na kaya ready ka. Bad News: Lahat ng ni-review mo wala sa exams.
Good News: Crush ka na rin ng crush mo! Bad News: May asawa ka na.
Good News: Nasayo na ang lahat - looks, brains, money, attitude at talent. Bad News: Ayaw niya sa perpekto.
Nang Humugot ang Isang Tindero
1. Nung nangungutang ka, andami mong pangako. At ako si tanga, binigay ang tiwala ko ng buong puso. Pero nasan ang pangako mo noong sinusuyo ako? Ang tao talaga sa una lang magaling. Sa una lang malambing. Pag nakuha na yung gusto, nawawala na yung init.
2. Okay lang naman kahit pabago-bago ang isip mo. Okay lang kahit mukha na tayong tanga kase paulit-ulit tayo dito. Ang mahalaga, sa akin ka lang bibili at hindi sa iba.
3. Eto yung pinakamahirap kapag nagmahal ako. Alam kong hindi ka na bibili saken. Kaya pinipilit kong hindi magbago eh. Para lang yang taong nagmahal at umamin kaso imbes na mag-work out, nagkaroon lang ng ilangan and eventually, nagkalayo ng tuluyan.
4. Wag kang sisigaw ng "pagbilan" kung magpapabarya ka lang. Wala yung pinagkaiba sa taong sasabihan ka ng "mahal kita" hanggang sa ma-fall ka pero sa huli, kaibigan lang ang turing sayo.
5. Aanhin pa yung saying na "the customer is always right" kung mangangaliwa ka lang at bibili sa iba? Wala man akong karapatang magalit, pero nasasaktan talaga ako sa tuwing makikita kitang bumibili sa kabila.
6. Buong araw akong nakatanga dito, naghihintay sayo pero hindi ka dumating. Ngayong sarado na ang tindahan, saka ka kakatok. May mga bagay talaga na darating sa buhay mo kung kelan huli na ang lahat. Kahit masakit, hindi mo siya magawang pagbigyan kase hindi yung ang nararapat para sa inyong dalawa.
7. Minsan kahit sobra yung ibigay mo saken, hihingi pa rin ako kaunti pa. Hindi naman ibig sabihin nun kulang yung bigay mo. Ang gusto ko lang naman eh masuklian ka sa pinakaperpektong paraan na alam ko. Dahil hindi mo deserve ang barya-barya lang.
8. Sabi kanina nung bumili saken, "Pagbilan nga ng powder." Tapos nung gusto kong liwanagin kung anong powder, siya pa yung galit. Kase may powdered soap, powdered milk at powdered juice diba? Next time kase kapag may gustong bagay, sabihin ng specific. Para malinaw ang lahat. Para lang yang pagsasabi ng "i love you" sa isang tao, linawin mo kung bilang lover na ba o kung bilang kaibigan lang. Tao lang ako. Marunong din akong malito.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Kung merong earthquake drill, sana meron ding friendzoned drill. Para ready na ko sa gagawin mo saken.
Porke brokenhearted lang biglang sobrang love na ang family? Ulol. Samantalang nung peak season ang kalandian halos kalimutan ang pamilya. Naaalala mo lang sila kapag wala ng lovelife. Wag ganon.
Nasan ang Hustisya?!
1. Yung pumila ka ng 10 hours tapos nung ikaw na yung next biglang sabi nung staff: "Ay naabutan po kayo ng cut-off. Eto po stub, priority kayo bukas."
2. Yung ang tagal mo nag-ipon para sa isang bagay tapos pagpunta mo sa mall, out of stock na. Tapos limited edition pa.
3. Yung kapag gwapo ang namatay, "sayang, malaki pa naman ang potensyal nya" pero kapag panget, "rest in peace bro" tapos nagmamadali pa silang ilibing ka kase baka daw bumangon ka ulit.
4. Yung feeling na si KZ Tandingan hirap pumili kung yung taong mahal nya o yung mahal siya samantalang ikaw hirap pumili kung mahal mo o mahal mo - wala kaseng nagmamahal sayo.
5. Yung nag-invest ka na ng feelings para sa kanya tapos sa huli aalukin ka lang pala ng networking. Sana pera na lang ininvest mo in the first place.
6. Yung todo-effort mong piniga yung tube ng toothpaste tapos sa lababo lang tumapon.
7. Yung katext mong daig pa contestant ng PBB dahil 1 week pa lang kayo magkausap mahal ka na kagad. Daig mo pa na-Minute to Win It - yung feelings nya for you minuto lang din ang itinagal.
8. Yung ang sipag mo mag-aral tapos yung prof. mo nanghuhula lang pala ng grades. Nataasan ka pa nung irreg. student na isang beses lang pumasok.
9. Yung na-excite ka nung nakita mong may isang gallon ng ice cream sa ref tapos pagbukas mo bagoong ang laman.
10. Yung nagpulbos ka sa pag-asa na kahit paano puputi ka tapos napagkamalan ka lang tempura na nasobrahan sa harina.
11. Yung jowa mong math whiz na napakagaling sa algebra dahil andalas kang i-compare sa "X" nya.
12. Yung matagal mo nang nililigawan dun sa tulay ninyong dalawa nahulog. Sana nahulog na lang sila parehas sa kumukulong lawa ng impyerno.
13. Yung feeling na may groupings sa klase tapos lahat may at least 1 member na magaling o masipag- at ikaw napunta sa group na puro latak ng lipunan ang miyembro.
14. Yung nanonood ka ng action film tapos nung bed scene na ang palabas saka pumasok yung nanay mo sa kwarto. Akala nanonood ka ng porn.
15. Yung feeling na ang ganda-ganda ng boses mo kapag nasa banyo pero kapag kumanta ka na sa maraming tao para kang kambing na humihingi ng saklolo.
16. Yung kinukuha kang endorser ng beauty product pero ikaw daw yung "before". Ang masaklap, 4 stages yung "before" at dun ka sa pinakamalalang stage.
17. Yung masakit na katotohanan na mas totoo pa yung "biro" kesa dun sa "pangako".
18. Yung kapag maganda yung nagpapicture sa animals "animal lover" ang tawag, pero kapag panget "lukso ng dugo" daw.
19. Yung umaasa ka pa rin na mamahalin ka nya eh atensyon nga hindi mo makuha-kuha.
20. Yung feeling na yung aso mo nung sinabi mong "stay!" sumunod kagad pero yung syota mo ginawa mo na lahat pero iniwan ka pa rin.
Kapag nahanap nyo na po yung hustisya paki-kontak naman ako. Need kase ng friend ko. ASAP. Mga 3 boxes. P2.5k ang budget. Thanks!