0815:0816 | taguig (aka u-tag charot)
finally got the chance to meet my fave tumblr girlies.
nakakatuwa kasi ngayon nalang ako ulit nagkaron ng ganitong circle sa online community na ‘to. dati parang naiingit pa ako sa mga mutuals dito na laging nagkakasama, namimiss ko kasi yung dati kong circle na lagi ko rin nakakasama noon—di na sila active kasi. kaya sabi ko non, sana magkaron ulit ako ng ganong circle na mamimeet at pwede ko makasama minsan.
tsaka ever since i followed these people, sila na talaga yung mga gusto kong mameet in person. akala ko nga impossible na since ang layo ko na tas di pa ko active lagi haha. pero huge thanks to ira for inviting me to join.
nung una naa-anxious pa ako kasi parang ngayon nalang ulit ako makaka meet ng new people, and knowing my bubogs medyo may inooverthink akong fear na baka hindi nila ako mavibe or something. but nung first kay cath, i got comfortable agad na parang hindi namin first time magkita. siguro dahil para siyang yung pinsan ko hehe.
tsaka ang nakakatuwa pa don, tulad nga ng sabi nila mel, kahit most of us first time magkita kita personally, it felt like reuniting with an old friend. sobrang comforting ng vibe, every conversation ay parang therapy at ang happy lang, ang saya ng kwentuhan puro lang kami tawa (na may konting iyak) —parang wag ka na tuloy bumalik ng US ira, dito ka nalang para may ganap tayo every 3mos. eme hahaha.
definitely will join again pag naulit magkaron ng ganap. ang saya nila kasama. feeling ko okay na ko walang social life masyado dito sa bicol, ilalaan ko nalang for manila para makabonding sila pag may chance ult. haha.
labyu girliessss! thank you ulit sa gifts and time and effort niyo. 🥰 @inkedbydawn @sonderreverie @thespacesbetweenherbecoming @m3lisssss4 @katoptrisse @aerystotle @logsofephemera















