Matagal na din akong nagsusulat. Nag-umpisa sa simpleng draft lang nung High School. Sulat sa papel, ng mga tula at kanta pati na rin mga personal rants. Nagdaaan sa Writer'Block na tinatawag, pero hindi nagpatalo dahil passion talaga ang pagsusulat. Nadiskubre ko si Tumblr nung 4th year highschool ako. 2008 yun. Unang URL na ginamit ko ay, EMOSIBITCH. Kaya naman yan ang URL ko ay dahil sa kasalukuyan akong nagpapaka-rebelde nyan at naturingan pang isang bully, pero napaka-moody din at the same time. Naging Labasan ko ng sama ng loob ang pang-bu-bully at Tumblr. Naging Umpisa ito para mas makilala ko ang sarili ko. Kasagsagan na umaapaw ang utak ko sa bawat ideya ng pagsusulat. Nagsimula akong gumamit ng tumblr bilang labasan lang dati ng hinanakit ko. Dumating din sa punto na nanghina ako sa pagsusulat dahil sa samut saring problemang kinaharap ko. Dahil sa kahinaang ito, matapos ang isang taong pagbo-blog, nag deactivate ako ng account, pati ang email na gamit ko dito deactivated din. Dumating si College. Nakaka-pressure. Daming requirements at exam. Na-depressed. Minsan wala pang tulog. Dahil sa ganitong routine, bumalik ang ideya ko ng pagsusulat. Gaya ng highschool, papel at bolpen muna sa umpisa saka isasalin sa web para ma-post sa tumblr. Tumagal din ng isang taon taon si URL na AKOSIJEROME. 2009 naman yun hanngang 2010. AKOSIJEROME ang ginamit kong url dahil sa mga panahong ito, gusto kong ipakita yung sarili ko, mula sa Highschool hanggang sa College. Pero gaya ng nauna, nag-deactivate ulit ako ng tumblr account. Oo, sayang, nanghihinayang din ako ng mga panahong yun dahil sa dami na rin ng mga laman ng blog ko. Puor personal writings, Rants, at kung ano-ano pa. Nagdeactivate ako kasi, napabayaan ko noon ang account na ito dahil sa pressure sa pag-aaral. Mahirap kasi, lalo pa't Communication Research ang Course. Puro research paper, term paper, at kung anu-ano pang papel. Kombinasyon na kasi ng Brodkasting at Dyornalisim ang Pananaliksik na kurso. Gaya ng nauna, pati ang email na gamit ko dito, deactivated din kahit na alam kong lahat ng school credentials ko mula HIghschool at Hanggang College ay nandito. Pero wala eh, mas nanaig ang Pressure sa akin. 3rd Year College, Nagkaroon ng subject na Online Journalism. Syempre unang requirement, BLOG. Sa una, medyo alangan ako kasi nga puro deactivate ang ginagawa ko sa mga nauna kong account. Akala ko din noon Tumblr ang gagamitin naming Blogsite, pero mali, BlogSpot ang required na gamitin namin. At dun na nagsimula muli ang pagsusulat ko. Ang laman ng Blogsite na ginawa ko ay, mga trending foods, fashion, travel, and adventure, along the Metropolitan Manila Site. Yes, Metro Manila ang Focus ng Blog na ito. Adventures along the urban area ang peg. Parang KrisTV lang sa ngayon. Aalamin mo ano ang mga latest na pwedeng gawin o kainin o isuot, sa lugar na napili mo para sa araw na yun. Malaki din ang nagastos ko dito dahil puro byahe. Tumaba din ako dahil puro kain. Pero na-enjoy ko ito dahil iba't ibang lugar sa metro manila ang iikutin mo. Naging maayos naman ang pagbo-blog ko. 1.25 yan ang grade na nakuha. Pero gawa ng mga nauna, natapos na ang Subject na yun, natapos nadin ang buhay ng blog na ito. Deactivated ang Email kasabay ng blog. Anong Dahilan ? Marami din. Hirap kasi ako mag maintain ng blog noon dahil masyadong busy at kasalukuyang sumasali sa mga School Organization, idagdag mo pa ang Pagiging miyembro ko sa isang NGO na syang nakatulong sa akin para makapagtapos ng college. Scholar kasi ako dun at syempre pressure para sa pag maintain ng grade, sama mo pa na Elected President ng Scholarship for 3 years. Ako taga-ayos ng papel at requirements ng mga scholars. 100 Scholars along Navotas ang hawak ko nun. Kasabay din nito, since part ako ng NGO, volunteer Social Worker din ako for 4 years. Enjoy ang experience na yun. Marami akong natutunan. Hindi din ako namamalagi sa bahay during college days, dahil sa NGO ako lagi naruon, Travel. Attend ng Seminars sa iba't ibang Lugar like Baguio, La Union, Batangas at madami pa. Pati na rin, Swiimings, Tour at Pag-aassist sa mga bata at Youth. Nanlumo ako ng mga panahong to dahil sa deactivated na nga ang blog ko, hindi ko na na-i-share at na-i-post man lang ang mga experience ko. Kung tatanungin mo ako kung ano ang title ng blog ko, well, hindi ko na din matandaan kasi wala na din ang email na gamit ko para duon, at hindi ko din kasi na-i-promote yun dati. For requirements sake lang kasi eh. 4th year college approached me very fast. Ito na yung tipong sabi ng mga College Student ngayon eh, pinakamahirap dahil last year na at iba na ang requirements na ipapasa dito. Sa akin, at sa aming magkakaklase, hindi na ito yung pinakamahirap, kasi during first year pressure at hirap na din ang inabot namin, like Productions, News Writing, News Covering, Broadcasting. Mga ganun. Ginaya pa nga namin sila Mel Tiangco, Vicky Morales at Mike Enriquez during College, kasi requirement ni Sir Steve Dailisan, yung News Anchor at Senior News Correspondent sa GMA, ang ganitong Production na gagawa kasi ng News Casting. Yes, Tama ka ng pagkakabasa, Steve Dailisan. Naging Prof namin sya. Broadcast Journalism ang Subject namin under sa kanya. Sa taong to, normal na sa amin ang pressure at paggawa ng Research Paper, Especially yung kinakatakutan ng Lahat, ang THESIS. Di na rin naging mahirap sa amin ang paggawa nito dahil 3rd Year 2nd Sem, inumpisahan na namin to, at Same prof lang naman ang humawak sa amin, Adviser din namin sya. Medyo Pressure lang kasi, yung prof namin eh, Director for Research and Development ng PUP, so medyo strict at metikuloso talaga sa Paper ang Prof nato. Naranasan na namin ang ihagis nya ang draft ng thesis namin dahil hindi sya satisfy sa laman. Even lukutin yung papel na may printed out na 60 to 100 topics for your thesis, tapos ihahagis nya sa basurahan ng harap-harapan, naaranasan na namin. Sanay na din kami sa ganun nya, dahil base din sa kwento ng Mga nauna na nyang hinawakan. Gaya ng ibang estudyante, hindi din kami halos isang linggo na natulog dahil sa THESIS, samahan pa ng requirement namin na Fashion Show o tinatawag na Le Vouge sa PUP Maskom. Tapos Internship pa sa mga research firm. In Short, nasanay na kami sa pagiging BANGAG simula first year college. Kasabay din ng Pressure na ito ay ang Paggawa ng Blog ulit gamit ang Tumblr. 2012 ang taon nito. Subject: Media Literacy. Yes, Required ulit sa amin ang paggawa ng Blog dito. Diot kasi namin ipo-post ang mga review for Commercials sa TV, InfoMercial, Social Media, at marami pang iba. Sa pagkakataong ito, medyo lutang na ako at sumang-ayon sa paggawa ng blog dahil required kahot labag sa akin, dahil tinalikuran ko na ang pagbo-blog after blogspot. Nagamit ang blog na ito at nagkaroon naman ng Grade na 1.25 ulit. Swerte !!! Matapos ang Subject na ito, at since ga-graduate na din, naisipan ko na i-deactivate ulit itong Blog na ito. Kaso may gumugulo sa isipan ko at sinasabing, wag i-deactivate at baka magamit pa. Ilang araw ko ding pinag-isipan ang bagay na yun, at nauwi sa desisyong, wag na i-deactivate at panatilihin na lang. Hindi ko na din ginawang i-deact ang email na kasama nito dahil dito sa bagong email nato, nakasave lahat lahat ng files na laman ng flashdrive ko, at dito din sa email na ito nakalagay ang buhay ko mula kolehiyo. Marami akong email na ginawa at everytime may updates or i-se-send, naka CC lagi ang email na ito kaya naman mahalaga ang email na gamit ko sa blog na ito. Hindi ko na din sasabihin ang url ng blog na ito, dahil ginamit at ginagamit ko pa din ito, bilang anonymous blog. Yes, May anon-blog ko. Dumating din ang araw at buwan at taon na nakalimutan ko na ang pag-bo-blog. Nananatili ang anon blog na ito pero in-Hiatus Mode ika nila. Gamit ko na lang nuon ay Facebook at email para malibang at magsulat. Dumating ang Panahon, 2014, nangati ang kamay ko sa pagsusulat. Nung una sabi ko masamang pangitain kasi dadalhin na naman ako sa Tumblr nito. Pero kalaunan, naisip ko, ano ba ang Passion ko ? May mahalagang parte sa buhay ko ang kulang althrough0ut the years. May hinahanap-hanap ako. Maskom ako. At Boom, Light Bulb was lit. Yung bagay na tuwang tuwa akong ginagawa. Yung bagay na mahal na mahal ko pero tinalikuran ko. Kailangan ko ng bumalik sa bagay na yun. Pagsusulat. Pagbabahagi. Pagbo-BLOG. Sa una, nagdadalawang isip ako kung yung Anon-Blog na naiwan ko ang gagamitin ko, kaso ayaw ng utak ko, tutol ang utak ko. Sinasabi din ng Puso ko na gumawa na lang ako ng Bago para bagong Simula daw. At ayun, JUNE 2, 2014, nabuhay ang Blog ko ngayon. Sa una nangangapa ako dahil medyo bago na ang naging Features ng Tumblr, pero kalaunan nasanay na din. Ang Unang URL na ginamit ko para sa New Beginning na ito ay, OVERHEARDJEROME. Bakit yan ? una naisip ko na, ilalagay ko sa blog na ito ang mga bagay na naririnig ko at gagawan ko ng insights. Naging Smooth naman habang tumatagal ang pagsusulat ko. Pero pakiramdam ko may kulang sa blog ko. Habang iniisip ko kung ano ang kulang na yun, saka ko naman nakilala si Raven Jhey, a.k.a BREYNINGPOGI na ngayon ang URL na ay RAPISTNGPILIPINAS. Sabi nila Peymus daw to. Sabi ko naman walang peymus sa pagsusulat. Paano kami nagkakilala ? Saka ko na sasabihin. Naging close kami ni Raven ng Sobra, hanggang sa na-open ko sa kanya ang Blogging at dun ko nalaman na Blogger pala sya at yan nga ang URL nya. Dito nagpatulong ako sa kanya para maiyos ulit ang blog ko. Na-open ko din sa kanya ang Kulang na iniisip ko, ko hanggang sa nagkaroon kami ng brainstorming para lang sa kulang na yun. At dahil dun nag-come-up kami sa pagpapalit ng URL at dito nabuo si JHEROMANCE Bakit jheromance ? Una dahil sa Pangalan ko, Jherome. Wag ka na magtaka, may H talaga yan, pakita ko pa BC ko sayo. Sunod ay Romance Dahil sa Personality ko. Sabi kasi ng ibang tao, Sweet, Caring, at Romantic daw ako at Hopeless Romantic din minsan. Nung una di ako sang-ayon, hanggang sa naisip ko, na ako nga talaga yun. Ako yung taong tinutukoy nila. Makikita mo naman siguro sa blog ko. Hanggang sa napagkasunduan na ito na nga ang URL na gagamitin ko, at pinaubaya ko na kay Raven ang Pag-aayos ng Blog ko, na somehow, yes, plain, ganyan din naman kasi ako. Hindi ako Artsy type na thru Drawing. Artsy Type ako pagdating sa pagsusulat. Pagsusulat ng tula. Pagsusulat ng kanta. At Pagsusulat ng insights ng mga bagay na nahahagip ng mata at tenga ko. Nagpatuloy ang pagsusulat ko. Nagiging in-active minsan, pero nangako akong di ko na iiwanan ulit yung PASSION ko. Hindi ko na iiwanan ulit yung bagay na nagpapasaya sa akin. At hindi ko na iiwanan ulit ang dahilan kung bakit may mga TOTOO akong KAIBIGAN na TOTOONG TAO at walang pagpapanggap. Tanong ulit paano ako pumipili ng kaibigan ? Simple lang, TA mo ko. Usap Tayo. After ilang Oras hanggang 3 days, kilala na kita. Alam ko na personality mo at alam ko na ang buhay mo. Paano ? Subukan mo akong Kausapin. Ngayon, nag-ISANG TAON na pala yung Blog ko "ulit". At hindi ko to iiwan dahil hindi din ako iniwan nito. Patuloy akong magsusulat para mag-inspire at hindi magpasikat. Patuloy akong magsusulat kasi ito ang First Love ko at ang Passion ko. Kaya ikaw, wag ka manawa na magsulat okay ? At yan ang kwento ng Blog ko. Sa susunod muli. Salamat sa Pagbabasa. Mahaba ba ? Sorry ah, masalita kasi akong tao. Basahin mo ang blog ko at wag ka mahiya magtanong at mag hate. Advice ba ? Halika at Mag-usap tayo. jherome+romance= jheromance...