Isa sa mga rason ko kung bakit ako umuwe ng Pinas eh dahil para mawala yung pag aalala ko sa Mama ko, na recently ang sabi sa amin ng bunso kong kapatid eh napapadalas ang pag kakasakit.
Kaya ako umalis sa Pinas, para sa Mama ko. Kahit lagi kaming nag aaway ay alam kong nanay ko sya at iisa lang sya sa buhay ko/namin. Kaya gusto ko syang alagaan.
Nandito na ako sa Pinas ngayon, ayos naman daw ang lagay nya. May mga nararamdaman sya sa katawan nya pero kaya naman daw nya. Pero pag nakikita ko ang epekto sa kanya ng Mild-Stroke ay sumisikip ang puso ko. Sana may magawa ako at ang pera para maibalik ang dati nyang itsura.
Pero aanhin mo nga naman ang pera kung ayaw din nyang tanggapin yun. Meron pa daw mas mahalagang bagay na kailangan pag kagastusan bukod sa kanya.
Last night, nakausap ko yung friend ko na namatay daw ang father ng bestfriend ko due to heart attact. Nagulat ako at natakot. Naisip ko agad si Mama or si Dade. Hindi ko pa kayang may mawala ni isa sa kanila. Ayaw ko pa na mawala sila na hindi man lang nila nakikita ang mga impotanteng kaganapan naming lahat, lalo na para sa bunso kong kapatid.