Sinimulan ng paaralan ang klase sa pamamagitan ng isang oryentasyon.
“Walang bago” yan ang mga salitang lumabas saaking bibig nang matapos ito. Pauwi ako kasama ang mga kaibigan ko nang makasalubong kita.
Nagtagpo ang ating mga mata. Sa palagay ‘ko yun ang pinakamabagal na Limang segundo ng buhay ‘ko.
Tuwang tuwa ako noon dahil ikaw mismo ang tipo ‘ko. “Straight out of your thoughts” sabi ng Kaibigan ‘ko.
Nang lumipas ang ilang linggo nalaman ‘kong pang-umaga ‘ka ngunit sa iisang kwarto lang tayo nag-aaral. Simula noon ay mas maaga ako ng isang oras sa pag-pasok para lang makita ka ulit.
Hindi ‘ko tinigilan yun at napansin ito ng mga kaibigan mo. Hiningi ko ang numero na gamit mo sa iyong telepono.
Mukang nasa panig ko ang swerte at ito nama’y binigay mo.
[Ika-19 ng Disyembre taong 2012]
Noong araw na iyon ang panimula ng panliligaw ‘ko.
Lumipas ang ilang buwan at dumating na ang Araw ng mga puso.
Sobrang abala ang lahat ng tao sa ating paaralan. Ngunit ginawan ‘ko ng paraan ang oras ko para maibigay ang mga regalo ‘ko sayo.
Masaya tayong dalawa, Magkausap. Ilang linggo muli ang lumipas at nalaman kong aalis ka.
Gusto ‘ko na sanang bigyan ng titulo ang kung ano man ang namamagitan sa ating dalawa.Hindi ka muna pumayag dahil nga naguguluhan siya dahil sa paglipat ng inyong pamilya. Binigyan kita ng panahon dahil iyong ang ‘yong nais.
Nawalan tayo ng koneksyon. Pinilit ‘kong hanapin ka pero wala, Limitado parin ang galaw ‘ko.
Nag-iwan ako ng mensahe sa iyong Facebook. pati na sa tatlong numero ng iyong telepono, Hindi ko man alam kung nasaan ka, kung kamusta ka na.
Basta alam kong babalik ka para sakin dahil yan ang pangako mo.
[Ika-15 ng Hunyo taong 2013]
Sumubok ulit akong mag-iwan ng mensahe sayo.
Pero nang araw na ‘yon binasa mo ito at ika’y sumagot.
Hindi ka makapaniwala na ikaw parin ang mahal ko pagkalipas ng mahabang panahon.
Naghintay ako sayo’t umasa pero sa bandang huli, ako parin ang naka-nga nga.
Akala ko babalikan mo ko’t magiging masaya tayo.
“Maraming namamatay sa maling akala“
Anim na buwan akong naghintay sa iyong sagot. Anim na buwan akong nanuyo’t umasa.
Ginawa ko ang lahat para ikaw lamang ay sumaya ngunit ako’y iyong iniwan at ‘yong pinaasa.
Dito ako nangako na hindi na ‘ko muling aasa at iiyak.
“Promises are meant to be broken”