How can you express your love for someone? How can you make HIM feel that you love him terribly far more than you love yourself? Ang mas mahirap pang sitwasyon ay ang katotohanang tao ka lang at Diyos Siya. Paano mo maipaparamdam ang kabuuan ng pag-ibig mo?
A lot of questions in my mind na napakahirap sagutin. This song really touched my heart, para bang itong awitin na ito ang sigaw ng puso ko:
Say the word and I will sing for You
Over oceans deep, I will follow
And every breath of wind, praise
It would still fail by far to say
I simply live, I simply live for You
Whatever I say, whatever I do, whatever I sing, it will all fail to say all my heart contains. Dahil ang totoo, kung bubuksan ang puso ko, uhaw sa KANYA. Nang mas marami at mas higit pang pagkakakilanlan sa KANYA at sa ikanyang pag-ibig. Iyan ang gusto kong gawin sa buong buhay ko, na sa pamamagitan ng lahat-lahat ng meron ako ay maiparamdam ko sa KANYA na mahal na mahal ko SIYA, higit kaninuman sa mundo.
Ang tunay na pag-ibig ay nagsasakripisyo, handang masaktan, at handang magpabago upang maging higit na katanggap-tanggap ang pag-ibig mo para sa KANYA. Dahil hindi lang naman katulad ng ordinaryong pag-ibig si HESUS. Higit sa kayang damdamin ng puso ko at kayang isipin ng isip ko, ganyan ang pag-ibig NIYA.
Paano ko maipapadama ang tunay na pag-ibig ko sa KANYA? Sapat ba ang pagsunod? Ang paglilingkod? Ang pag-awit? Ang pag-iyak?
Nasaan ang pag-ibig ko kumpara sa pag-ibig NIYA, napakadakila, napakawagas.
Ngunit gaano man kalayo ang agwat NAMIN mula sa isa't-isa, gagawin ko pa rin ang lahat, lahat-lahat ng buong lakas na paglilingkod, pagsunod, pag-awit, pagmamahal, pagpapasaya sa KANYA kahit ang kahulugan nito ay ang BUHAY KO.
with all my heart, all my soul, and all my mind.
(posted last year on my FB)