Lubha
Ikaw man ay nais matanaw
Hindi maaari ngayong tag araw
Init mag hapong dinadaing
Isip sa ibang bagay binabaling
Dinig ang huni ng ibon
Katawang sa kama ay nakabaon
Dahil sa mga harang na linya
Tutol sa labing nais madama
Kaarawang sasapit
Ako sana'y makalapit
Nakahilata't nag aabang
Sariling isip nililinlang











