Paanyaya
Napansin ko lang...
napaka espesyal na pribilehiyo ang maimbitahan sa isang okasyon... mapa kasal, kaarawan, pasasalamat, graduation o kung anu-ano pang klase ng selebrasyon iyon. kaya nakakalungkot isipin na kung sino pa yung inimbitahang dumalo eh sila pa yung di sisipot at kung sino naman yung di imbitado eh sila pa yung nandun. diba? ang maimbitahan ka sa isang selebrasyon ay nangangahulugang importante o mahalaga ka para sa taong 'yon o di naman kaya ay naging bahagi ka ng kanyang buhay. kaya ang isawalang-bahala lang ang isang imbitasyong pinagpagurang gawin at siya mismong maghahatid sayo eh isang kabastusan at kawalan ng konsiderasyon.
Ayon pa sa turo ng aming seniro church pastor, ang tanggihan ang isang imbitasyon ay isang lantarang pagpapahiya na rin sa taong nagbigay nito. inimbita ka, kaya naman, nararapat lang na tanggapin ito at daluhan. liban na lang siguro kung may di inaasahang nangyari kung kaya't kinakailangan nating ituun muna ang pansin sa mga bagay na ito. di isang balid na rason ang walang maisusuot o kaya naman may ginagawa ka pa tas yung ginagawa mo naman pala eh di katagalang matatapos at makakahabol ka pa. kung tutuusin nga mas na aapreciate ng taong nag-imbita sa'yo dahil ginawa mo talaga lahat para lang dumalo. based rin kasi sa experience ko.. yung 2 debuts na pinuntahan ko... effort kung effort yun! Pinili ka ng taong yun dahil alam niyang di mo siya bibiguin at nararapat kang maging saksi sa selebrasyon niya. ikaw naman, bilang pagpapahalaga sa imbitasyon niya, at least naman bigyan mo ng konsiderasyon. oo nga't baka busy ka... pero di mo ba kayang isingit ang pagpunta kahit saglit lang... yung makita ka lang niya dun eh masaya na siya. nakakabastos lang at kung ikaw ang nasa kalagayan ng mismong nag-imbita sa'yo, tiyak masama rin mararamdaman mo.
yun lang... pahalagahan at bigyan ng konsiderasyon yung mga taong nagpapahalaga sa atin sa pamamagitan ng pagganyak sa kanilang paanyaya. ito'y pagbabalik halaga na rin sa kanya dahil sa pag anyaya sa'yo. napansin ko lang kasi. swerte ka kung inanyaya kang maging saksi at bahagi sa isang espesyal at mahalagang sandali ng isang tao kasi alam mong para sa kanya, mahalaga ka gaano man katibay o kalawak ang relasyon sa pagitan ninyong dalawa... kung malapit kayo o kakilala lang. at least masasabi mong mahalaga ka sa taong yun. :)













