Sorry baby :(
Ganito kasi, so nagcocomputer ako tapos humiga sa likod ng chair yung aso namin. Ang ginawa ko inusog ko siya ng konti palayo baka kasi maipit siya sa paa ng chair pag umusog ako. Tapos umupo ako ulit, umusog ako paharap at hindi palikod so dapat hindi ko siya natamaan. Pero bigla siyang sumigaw at nagulat kami. Lumayo siya tapos pinuntahan ko at ia-hug ko sana, pero nagalit siya ("ggrrrr") Nalungkot ako at lumayo ng konti tapos sinabi ko sakanya "Sorry na baby. Di ko naman sinasadya e. Kaya nga kita inusog kasi para di ka maipit. Sorry naaa. :'(" Tapos medyo teary-eyed nako nun. Natouch ako nung tumayo siya tapos lumapit siya sakin na parang nanlalambig. Ayun hinug ko siya at nag sorry ako na nag sorry at kiniss ko siya ng madami.
GRABE :") MAN'S BESTFRIEND TALAGA.















