Ang gubat sa paligid ng fault line
<magtatagalog ako, try ko lang. I find my style drastically changing whenever I write in tagalog.>
Sa nayon kung saan ako nakatira, parati kaming may pinupuntahang ilog.
Sabi nila, fault line daw yon.
Sabi nila, may mga diwata daw don.
Hindi ako naniniwala sa mga diwata, engkanto, o kung ano ano, pero natutuwa ako sa mga kwento, sa kababalaghan, sa mysterio.
Pero sa tuwing pumupunta ako sa ilog na'yon, wala akong nakikita kundi mga tao. Naliligo, naghuhugas, naglalaba, tumatae, umiihi... Bathalang mahabagin, walang hiwaga dito.
May isang taon na sunod-sunod ang lindol sa Batanggas, Laguna, at Maynila. Gawa daw yon ng pag-galaw ng Fault line. Ito daw ang magdadala ng matinding sira sa Kapitolyo sa hinaharap.
Sinara ang ilog. Sinara ang gubat. Sinara ang bundok.
Sa tabi ng bundok na'yon ay ang Pamantasan namin. May parte sa sa lupa ng pamantasan na malapit sa ilog at kagubatan. Tinahak namin ang daanan nung isang araw.
Namangha ako sa aking nakita.
Tinanong ko ang pinuno ng grupo kung ito ba yung dating ilog na pinupuntahan ng mga tao. Dahil masyado itong maganda, malinaw, matingkad... Mahiwaga.
Sabi niya, oo. Isa siya sa mga naliligo noon.
Pero bigla itong isinara.
May mga batang nalulunod at namamatay.
Mga taong nahihigop sa kawalan.
Mga lindol na dito mismo ang epicenter.
Mga biglaang pagbaha kahit walang tag-ulan.
Dagdag niya, "Nagalit ang mga diwata."
"Ganun ba." Sabi ko nalang, naalala ang batang nakausap ko dito sampung taon nang nakalilipas.
At tinuro ang mga taong lumalangoy sa ilog.
Hindi ko siya kilala, bigla lang n'ya akong kinausap.
Hindi parin ako naniniwala sa kababalaghan, pero sa araw na 'to, nakakita ako ng hiwaga.
<there could be a sink hole developing in the fault line, and Phivolcs did assure that the fault line is alive and will cause damage in the near future>
<sudden and unexpected deep could shock people and make them drown, especially the young>
<that child could be a tourist who hated people. Idk>
<lol, Im a skeptic, but seeing that river alive and beautiful makes me thing that faeries did drive away the humans to return its natural beauty.>
<idk. You're free to judge>