You're Mistaken
Hiding in Mask is such a hard role. Ako yung tipong malakas tumawa, di lang malakas tumawa kundi kakaiba pa ang pagtawa. Hahahah😂 Di ganun kadali mamuhay ng mapayapa. All they know, ang saya saya ng buhay ko, na naiintindihan ko at tanggap ko kung anong klaseng pamilya meron ako at ilan din sa kanila nagsasabing napakatapang ko daw. Pero "HINDI". Dimo aakalaing sa mga pagbibiro ko, ako'y napakaproblemado , sa mga malalakas na halakhak ko'y dimo rin aakalaing lunod nako sa luha. Di niyo alam lahat.
Sa bawat pagsapit ng umaga, ako'y tila isang araw na bubungad sayong nakangiti na sa pagkagat ng dilim ako'y mawawala't tanging ang buwan nalang magsisilbing ilaw sakin ngunit di ako nakakaasahang laging lalabas ang buwan para sakin.Para bang ang saya ko't ang tapang ko sa tuwing may mga taong nasa paligid ko, pero sa mga oras na mag-isa nako dun ako nagiging mahina. Na lahat ng sakit, lungkot at hirap para akong sinasaksak. Iiyak at iiyak hanggang sa makatulog.
Ako'y tatawa't tatawa pero di talaga ako masaya. Di ako masaya, kasi ang totoo hirap na hirap nako magpanggap na ang saya ng buhay ko. Hirap nakong ipakita sa pamilya kong naiintindihan ko sila, pagod narin akong ipakita sa mga kaibigan kong ang tapang tapang ko.
Dahil ang totoo nahihirapan nakong maging ''AKO''.AKONG PINIPILIT MAGING MASAYA. Kung di lang sa maskarang may kurbang napakalawak saking mukha sana'y ngayon alam niyo na.









