Edukasyon para sa Iilan: Kung Bakit Asal-Mayaman si Pedrong Maralita
Tayong mga tao ay nabibilang sa isa sa tatlong social class na nakadepended sa kalidad at estado ng iyong pamumuhay. Ang tatlong social class na ito ay ang upper class, middle class, at ang mga lower class. Nakahanay o iwinawangis ang tatlong social class sa isang tatsulok. Ang upper class ang nasa tuktok ng tatsulok. Ang mga middle class ang bumubuo sa katawan ng tatsulok. At ang mga lower ang pundasyon ng tatsulok.
Ang mga lower class ay matatagpuan sa ilalim dahil sila ang mga tinatawag na mga nasa laylayan ng lipunan. Sa hugis na tatsulok ang ilalim o ang tinatawag na base ay ang bumubuo sa pinakamalaking parte ng tatsulok na maihahalintulad mo rin sa konteksto ng kahirapan dito sa pilipinas. Ang mga lower class o ang mga manggagawa ay nahihirapan buhatin ang tatsulok gaya ng aking sinabi na sila ay ang pundasyon ng lipunan dahil sa bigat ng mga nasa taas. Sila’y nahihirapan sa pasakit na dulot ng mga nasa taas. Ang nakapagtataka rito ay kahit na sila’y nahihirapan na sa kanilang pamumuhay ay bakit tila ba sila ay nag-aastang mayaman na dapat ay pag-uugali ng mga nasa taas. At sa halip na ang mga pinto ng mga nasa taas na mahimbing na natutulog ang kanilang kinakalampag ay mas gugustuhin pa ni pedrong maralita sakalin ang kapwa niya mahirap.
Ang makakapitalistang upper class merong paraan para mapanatiling tahimik ang mga nasa ilalim. Itinatatak nila sa mga isip ng mga nasa ilalim na kapag bumili sila ng mga bagay na kahalintulad sa kanila ay mararamdaman na rin nila na kabilang na rin sila sa mga upper and middle class kahit na sa reyalidad ay sila pa rin ay nag-hihirap. Kayat kapag isa sa mga nasa laylayan ay bumoses ukol sa kanilang karapatan ay sila-sila rin ang mag-tatalo.



















