Part 2/2
Hindi ko alam kung emotional lang si Boss dahil marami siyang ginagawa tapos nawala pa 'yung SEO guy, pero sa akin nadagdag ang work.
"It'll cost more but I'll pay you," sabi niya.
Ako deep inside: Ha?
Syempre parami nang parami 'yung pinapagawa mo, dapat lang magbayad ka. Anu ba. Hahahaha. 'Yung inapplyan kong role eh nag-evolve na at dumami responsibilities so dapat lang na magbayad ka ng mas malaki 'no.
Balita ko tinanggal 'yung pinalitan ko dahil busy daw sa ibang work. "Full time" 'yung gusto mo ihire so dapat ang sahod pang-full time din!!! Okay!!!
Tbh medyo okay naman yata rates dito, 'di lang ako happy kasi I want more, pero marami rin naman akong natututunan at natutuklasan tulad ng airtable at coda.










