Introduction to the Rusca Deviation. Chapter 3.
Grescallon feels muna ako ngayon.
What you need to know: This fic of mine tackles different timelines surrounding one incident. That is, Rusca is tasked to dress as a girl to gather information. Situations will differ depending on how Rusca reacts.
Patawad kung magulo ako mag sulat. Pangit din ako magbigay ng Title ( I wrote for the Community fandom so I got used to using courses/subjects as titles ).
This story is written in Tagalog.
Ao3 Version
Tumblr: Chapter 1
Chapter 2
Promise po aayusin ko po ito pag nakumpleto ko na isulat lahat ng chapters.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Chapter 3: Rusca hides
Summary:
Rusca is hiding because he does not know how he can confront Luna. He really feels uneasy about dressing up as a girl. Good thing he meets somebody who encourages him to be honest to the Luna Squad.
Notes:
This was not a scheduled post but I am influenced by the HL Twitter Role Players to ship Jose Torres Bugallon with Rusca. Thus giving way to a small love triangle between Rusca, Goyong & Bugallon thus Grescallon.
For now I will use Bugallon in addressing Jose Torres Bugallon so I don’t confuse him with Jose Bernal (pareho sila Jose B)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“Punyeta! Nasaan na ba si Rusca? Pagabi na a.”
“Heneral, sa tingin ko hindi kaya ni Rusca gampanan ang iyong inuutos…” Binabagabag si Paco sa hindi pag sipot ni Rusca.
“Kaya nyang gampanan ang misyon na ito. Tutulungan mo naman sya. Akala ba nya pababayaan natin sya” Pagalit na hinampas ni Luna ang pader ng kubo.
Inilatag ni Paco ang kanyang dala sa la mesa.
May maririnig na mga paang tumatakbo papunta sa kubo.
“Kanina pa namin hinahanap si Rusca. Naririto na ba sya?” Tila hinahabol pa ng nakababatang Bernal ang kanyang hininga.
“Wala pa sya at mukhang nagtatago sya…” pagpapaliwanag ni Joven.
Lumapit si Manuel kay Paco at pangiting nagtanong.
“Wala tayong magagawa kung ayaw niya magpakita. Lalabas din yan pag nagutom na sya. Ito na ba ang mga kagamitan na kailangan nya para sa kanyang delikadong misyon?” Halatang na aaliw ang magkapatid sa nangyayari kay Rusca.
“Mukhang bagay sa kanya ang kulay nito” Iniangat ni Manuel ang pula na saya na hawak nya.
“Ayos! mukhang tama ang sukat niyan para sa kanya. Ang galing mo Paco, nakuha mo kung ano ang damit na babagay para sa ating munting dalaga.” namamangha si Jose sa galing ni Paco na hulaan ang sukat ni Rusca.
Hindi napigilan ni Joven ang mag usisa. “Kanino mo naman nahiram ang mga damit na iyan Paco?”
Napatawa lamang si Paco at sumagot nang pabiro. “Hindi mo na kailangan malaman pa Joven kung paano ako nakakuha ng mga gamit na ito.”
Lumapit si Jose kay Joven at pabulong na nagsabing “Nag seselos ka ba Joven?”
Nagtawanan ang magkapatid na Bernal nang naging balisa si Joven. Wala man si Rusca ngayon para asarin nila ngunit nakakita sila ng bagong kukulitin.
Natigilan sila dahil hindi nila alam ang kanilang gagawin ngayong wala si Rusca. Alam nilang hindi sangayon si Rusca sa ideya na magbibihis babae sya para lamang makalikom ng impormasyon sa bayan. Ngunit alam din nilang walang magagawa si Rusca kasi mas nangingibabaw ang takot nya kay Luna.
~~~~~~~~
Samantalang sa tabi ng kubo ay may maaaninag na isang taong nasa lilim.
Nagtatago si Rusca at nakaupo sya sa lupa habang nagmamasid sa pintuan nang may narinig syang kaluskos sa likod nya.
“Kapitan! Kanina pa kayo hinahanap ni…”
Tumayo ng mabilis at tinakpan ni Rusca ang bibig ni Bugallon at inilapit ang kanyang mukha “Ssshhh… Wag kang maingay.”
Namula si Bugallon, ngayon lang sya nakalapit ng ganito sa Kapitan. Dinadasal nyang hindi ito isang panaginip. Nalungkot sya ng inialis ni Rusca ang kanyang kamay sa bibig niya.
Napalingon si Rusca sa paligid at muling nagtago. Hinaplos ni Bugallon ang kanyang labi. Tila totoo ngang nananaginip pa siya at ayaw na niyang magising. Nagulat sya nang biglang may humawak sa kanyang kamay at hinila sya pababa sa lupa.
Naiinis si Rusca dahil nakatulala si Bugallon sa kanyang kinatatayuan. Hinila nya ito pababa at pagalit na nagsabi. “Anak ng… Hoy! Magtago ka nga dito at baka mahanap nila ako dahil mukha kang tanga na nakatayo dyan.”
Hindi napigilan ni Bugallon ang kanyang sarili. Napangiti sya at unti unting lumapit kay Rusca. Pabulong syang nagtanong “Bakit po ba kayo nagtatago Kapitan?”
Napailing ng ulo si Rusca “Nais kasi nila ako pagdamitin ng pang babae para sa isang misyon.”
Napatigil si Bugallon ng nakitang nababagabag ang kanyang Kapitan. “Ano po ba ang agam agam nyo? Delikado po ba ang gagampanan nyong utos?”. Nag alala sya baka may masamang mangyayari sa kanyang Rusca. Napatawa ng marahan si Rusca. “Hindi naman mahirap ang iniutos nila ngunit …”
Lalong dumikit si Bugallon at inilapat nya ang kanyang kamay sa balikat ni Rusca. “Ngunit ano po ang dahilan? Maari nyo pong sabihin sa akin at baka matulungan ko kayo.” binibigkas nya ito habang hinihimas ang balikat ng kanyang iniirog. ( *writer’s note* haha… That escalated quickly from my Captain to Love kaagad. Kasalanan ito ni Twitter RP Jose Torres Bugallon. Mapusok siya at may galawang breezy pa na nalalaman)
Napaisip si Rusca kung maari nyang sabihin ang kanyang saloobin sa kanyang katabi. Napabuntong hininga sya at nag wika na may pag aalangan.
“Wag kang tatawa sa aking sasabihin kundi susuntukin kita.”
Huminga ng malalim si Rusca at pinagpatuloy ang nais sabihin “Mababaw lang naman ang dahilan ng aking problema.” Humarap siya kay Bugallon. “Hindi ba kakaiba ang plano ni Luna. Magbibihis babae ako at kakalap ng impormasyon sa bayan ngunit…”
Napalunok si Bugallon at buong pusong nakikinig kay Rusca.
Namula ng bahagya ang mukha ni Rusca nang makita nyang matindi ang pagkakatingin sa kanya ng kausap nya. Napaubo sya at lumingon papalayo. “Hi… Hindi kasi… Hindi kasi bagay sa akin ang magdamit babae! Nakakahiya at halata naman na lalake ako kahit anong gawin nilang pag aayos.”
Hinihintay ni Rusca ang reaksyon ng kanyang katabi ngunit tila hindi umiimik si Bugallon. “Ano… May sasabihin ka ba? Sasabihin mo bang mababaw ang aking dahilan at duwag ako.”
Natulala si Bugallon dahil iniisip nya si Rusca na nakapanamit dalaga at ngumingiti sa kanya. Pabulong na nasabi nyang “Bagay naman sa iyo, Kapitan. Maganda ka nga eh.”
Nilingon ni Rusca ng kaunti si Bugallon. “May sinabi ka ba?”
“Wala naman Kapitan. Nais ko lang sabihin na, makatarungan naman ang iyong agam agam. Nabanggit mo na ba ito kay Heneral? Sa tingin ko mauunawaan ka naman nila kung sasabihin mo ang saloobin mo sa kanila. Wag ka din mag alala pag nagalit sila sa iyo ay pwede kang tumakbo sa akin at makikinig ako sa iyong saloobin.”
Napangiti si Rusca at niyakap si Bugallon. “Maraming salamat at naandito ka para malabasan ko ng aking problema. Masaya ako at nakita mo ako.”
Parang natutunaw si Bugallon sa nangyayari. “Oh! Diyos ko! Nananaginip nga ata ako.”
Tumayo si Rusca at naglakad patungo sa pintuan ng kubo. Sumulyap sya sa naiwang kasama at nag wika na “Salamat at sinamahan mo ako, kaibigan ko.” ( *writer’s note* Ouch friendzoned si Buggy)
~~~~~~~~
Nagkaroon ng lakas ng loob si Rusca na harapin sina Heneral at sabihin ang kanyang nararamdan. Paakyat na sana sya ng hagdan ng may narinig syang tumawag sa kanyang pangalan.
“Rusca!”
Pamilyar ang boses na narinig nya at dahan dahan syang lumingon sa kanyang likuran.
Hindi napigilan ni Rusca ang kanyang sarili. “Putang ina! Ano ang ginagawa mo rito?!?”
Tumayo si Goyong sa harap ni Rusca at ngumiti. Iniwagayway nya ang hawak nyang liham. “Magandang Gabi! Kapitan Rusca. Naririto ako para mag bigay ng liham kay Heneral Luna.”
“Ako na ang magbibigay kay Heneral at maari ka nang umalis.” painis na iniabot ni Rusca ang kanyang kamay kay Goyong.
Inilapat ni Goyong ang sulat sa palad ni Rusca at sabay na hinawakan nya ang kamay ng Kapitan. “Bakit galit ka na nakita mo ako?”
Hindi makatingin si Rusca kay Goyong. Namumula ang kanyang mga pisngi.
Nagpupumiglas siya sa pagkakahawak ni Goyong. “Hindi ako galit! Bitawan mo nga ako.”
Naramdaman ni Rusca na tila humihigpit ang hawak ni Goyong sa kanyang kamay.
“Wag ka na mahiya Kapitan. Ayaw mo ba na naririto ako sa tabi mo?” Patuksong sinabi ni Goyong habang nakatingin sa mukha ni Rusca.
Hindi napigilan ni Rusca ang kanyang sarili. “Lintik! Alam naman natin na ang tunay na pakay mo ay para magmasid sa bawat kilos namin dito sa kampo.”
Napabuntong hininga si Rusca nang sa wakas ay binitawan ni Goyong ang kanyang kamay.
“Sa tingin mo ba na iyon ang aking tunay na pakay sa aking pagbisita sa inyong kampo?”
Tumawa ng malakas si Goyong na ikinairita ni Rusca. Napaatras si Rusca sa reaksyon ni Goyong.
“Kung ganon ang iyong paniniwala ay nararapat na …” humakbang si Goyong upang lumapit kay Rusca. “Nararapat ata na samahan mo ako sa pagbisita ko dito sa kampo nyo upang siguraduhin na hindi ako lilikha ng gulo.”
Napanganga si Rusca na parang may sasabihin siya.
Nawala ang ngiti ni Goyong at seryosong sinabi na “Napagod ako sa aking paglalakbay at nararapat atang magpahinga ako panandalian. Samahan mo na ako sa aking kubo para makapag ayos na ako ng gamit.”
Maaaninag sa mukha ni Rusca na naguguluhan siya sa nangyayari.
Bumalik ang ngiti ni Goyong at hinawakan ang balikat ni Rusca. “Hindi ba mas maigi na wag mo akong iwan mag isa. Para mabantayan mo ang bawat kilos ko.”
~~~~~~~~
End …
Nagtataka ba kayo kung nasaan si Bugallon habang kausap ni Rusca si Goyong . Hindi ba dapat gumitna sya at iniligtas nya ang kanyang Kapitan kay Goyong. Ang masasabi ko lang ay mukhang hindi makakagalaw si Bugallon ng isang oras kasi tila natameme sya sa pagkaka friendzone sa kanya ni Rusca.
~~~~~~~~
Nakakainis kasi dapat next year ko pa itutuloy itong kuwento ko pero nagkaroon kasi ng kaganapan sa Twitter camp kaya ayan may GRESCALLON feels ako. Hoy! BUGALLON! Lumaban ka. Wag kang susuko. Hindi porket na friendzone ka ay wala ka nang pag asa.











