It's Payback Time
Pareho lang 'to nung nasa FB wala lang yung grad.pic ko. Nahiya naman na kasi ako e. hahaha! :P
After how many years... Sa wakaaaaas! hihi :)
Salamat sa college friends ko na kasama sa lahat ng bullying moments sa Batibot, sa editing nights at sa mga editing nights na hindi naman talaga totoo kasi gusto lang natin mag-bonding, sa mga "laslas na lang" moments sa hirap at sa dami ng gagawin pero naka-survive tayo, sa lahat ng mga kinwento kong lovestory na hindi naman natuloy, atin-atin na lang yun ha?!! :P Siguro mukang tanga yung college life ko kung hindi kayo yung kasama ko.
Adam, salamat kasi naranasan kong magkaroon ng younger brother sa school. :) Thanks sa lahat ha?! 'pag kailangan mo ng atetra, I'm always here! :)
AtarayFaye, hindi na natuloy yung "topless-kamay-lang-ang-tatakip" na shoot natin. Papa-abs muna akeychiwa! :D
Jaycel, sana wag mo na i-Jaycel Cabral si Janine.
Janine, wag mo na i-Janine Pecho si Jaycel.
Alyzza, Meow!! :P Live. Laugh. Love. ! :P Miss ka na namin Madam!
RachelBabe, kamusta na ang aming Best Actress and Pop Princess?? ;)
Darleen, baks salamat sa tuwing nagkukwento ako ng kilig moments ko e mas kinikilig ka pa. Hati tayo kay Ser Chips ha?! :D At baks patunayan mo sa barkada na hindi ako yung unang mag-aasawa kundi ikaw! Hahaha! :P
Boy YummyJP, isa ka sa kakaunti na lang na gentlemen na kilala ko. Salamat ha?! Saludo sir! ;) Kahit na nilagyan mo ng virus yung netbook pero joke lang naman! hahaha! Tambay na tayo sa UP! :)
Jocelia, salamat ikaw yung "reminder" sa amin 'pag oras na para kumain. :D Salamat sa lahat ng sleepover sa dorm, sa condo at syempre sa bahay nyo! :)
Leila Mae, salamat kasi mild lang yung kasalanan ko 'pag may nakita akong ookrayin sa Batibot. Ituturo ko lang sa'yo tapos ikaw na mag-provide ng adjectives. Salamat din sa parang comedy na train moments natin everyday! :)
Sa AB1C, salamat binigyan nyo ako ng masaya, makulit at magulong 1st year-1st sem 6 years ago. :)
Sa mga naging teachers at professors ko, salamat po! Mga bayani po kayong lahat! I wish I had the courage to teach kaso mainitin ulo ko e. Haha!
Sa mga naging classmates, seatmates at crushmates, salamat din! ;) Sa mga lower batch at sa lahat ng mga estudyante, mag-aral kayong mabuti, maraming gustong mag-aral pero hindi makapag-aral. Kunin nyong kurso yung gusto niyo talaga para pangarap nyo mismo yung tinutupad nyo hindi pangarap ng iba. :)
"You went to college to get a degree, not a significant other". Hindi ako bitter, sinasabi ko lang ang dapat nyong unahin! :)
Sa hepalane, sa mga kinainan namin sa Gastam at sa kung saan-saan, sabi nung iba madumi daw e hindi naman kami nagkasakit. Mas madumi pa'rin malamang ang budhi ng ibang taong naka-postura pero kumukuha ng hindi sa kanila. hihihi
Sa mga muntik kong makapalitan ng mukha sa train dahil sa sobrang sikip, buti muntik lang!! :P
Sa mga nadantayan kong balikat ng kasakay sa jeep (kung meron man) dahil sa sobrang pagod at antok, pasensya na! :)
Sa mga inabutan ko ng bayad pero nagtulug-tulugan at nagbingi-bingihan, you can't fool me guys, malakas ang boses ko imposibleng hindi nyo narinig!! Hahaha!
Sa mga driver na kulang magsukli, mga sabing "meron pa!!" pero ni pwet ng baso hindi na kasya sa upuan, at sa mga mandurukot at holdaper, ayusin nyo buhay nyo! :P
Sa mga paborito kong banda/OPM artists, salamat sa sleepless nights ng pagre-review, pag-e-edit at byahe na mga kanta nyo ang kasama ko! \m/
Sa Rakista Radio at sa mga nakilala ko dahil sa The Morning Bitch, paulit-ulit pero salamat talaga! Napatunayan kong pwedeng matupad ang "DJ dream". Sana I can wake you guys up the bitchiest way, AGAIN! ;)
Kina Ate Jas, Arnel, Kuya Choi, Tere at Arvin, Kuya Roman, Kuya Pavz at sa lahat ng mga nakilala kong masasayang bubuyog dahil kay Jollibee, salamat sa inyo! I miss you all! :)
MaRiaIzaZane, Batang Lucky MES, 4-Love, high school friends, nagpa-late talaga ako ng graduation para bida ako ngayon at walang kasabay! :P
Sa pinadalhan ko ng gayuma na hindi ko ti-nag, sana wag kang mauntog! :P Tipirin mo yung gayuma para tumagal pa ang epekto. Abisuhan mo ako 'pag mauubos na para papadalhan kita ulit! (Ngayon ko lang sasabihin na ako yung nang-gayuma kahit na ang totoo e ikaw naman talaga) :P See you SOON o kung kelan man! :P Wag kang masyadong kiligin!
Sa mga poging Demerol, na bodyguards ko sa gigs, mga tagapagtanggol sa oras ng kalungkutan na may alam lahat ng miserable kong kwentong pag-ibig, you guys are really pain-relieving! ;) hihi
Sa pamilya ko, salamat mala-sitcom tayo araw-araw sa bahay! :P Salamat walang bumitaw! Sorry sa lahat ng gastos! Hayaan nyo, it's payback time! :D
Sa aking mga magulang, Donya Lilia at Don Fortunato, malamang taong grasa ako ngayon o kaya kalapating mababa ang lipad kung hindi nyo ako pinalaki nang maayos. :P Hahaha!
Salamat sa pagpapa-alala na wag masyadong seryoso kasi baka maloka at kung pagod na, pwedeng magpahinga. Salamat sa paghahanap ng paraan para makatapos kami. At 'pag hindi nakahanap ng paraan, pwedeng gumawa ng paraan. :) Salamat kasi tinuruan nyo kami na kapag may bagay o anumang gustong makuha, kailangan pinaghihirapan. :)
*hindi naman ako naiiyak! Hahaha!*
Kuya, Ate Jen at Orkidyo, Ate Jilly, Letty Uod, I love you all! Thank you sa pag-gi-give ng andabels sa akira always and forever! Sa dalawa kong merlat na shupatid, gora na kayo at magsipag-asawa na! Goooo!! :)
Lord, thank you! Yung panahong akala ko hindi na ako makakabalik pero dahil iba ka, nakabalik ako at ito na nga, nakuha ko din! :) Sorry minsan nakakalimutan kong magpasalamat sa mga binibigay mong hamburger kahit pandesal lang ang hinihingi ko.
Salamat din po sa mga bagay na hindi ko naman hinihingi pero binigay nyo kasi alam nyong kailangan ko. At sa mga hindi mo binigay kasi may dahilan naman pala. Grabe lang! Salamat po talaga! :)
Kung sa haba nito may nakalimutan pa ako, sorry pooooo! haha! :P
17 years din pala akong nag-aral! Parang kelan lang kinder ako, nagtatampo ako sa teacher ko nun kasi hakot award ako at parang "Curacha ang babaeng walang pahinga" sa pagka-active kaso hindi pa'rin ako kasama sa honor roll. :D
Sa wakaaaaas!! Naka-graduate din! :) Pwede na! Pwedeng-pwede na! Pwede na akong mag-trabaho ulit! Haha! :P
Muli, maraming salamat at pagmamahal sa inyong lahat!
Ang haba ba? hahaha! :P

















