Gikapoy ko
Hindi ko naman ginusto, pero ito ang nararamdaman ko.
Pagod. Pagod na sa lahat? Hindi na nga halos maka-usap.
Gusto kong mawala, gusto ko munang magpahinga.
Pero ang laging tanong, may mangyayari bang maganda?
Sa pagbalik ko ba sa katotohanan, magiging maayos na?
Hindi. Andun pa rin ang problema,
Mararamdaman kong muli ang pagod,
At sa huli, marerealize ko,
Sinayang ko lang ang oras.
Dahil hindi ko nga naman matatakasan,
Ang gawaing sa akin mismo nakalaan.
Tatayo ako, at lalabanan ang nararamdamang gikapoy,
Hihingin muli ang apoy na nanggagaling sa’Yo.
Pakiusap, pakinggan Mo ang hinaing ko.










