Ayan ilang oras na lang tapos na ang 2010! Hindi ko alam kung anong meron sa akin kung bakit nakalimutan ko ang maliliit o kahit malalaking detalye ng naganap sa 2010. Kung kaya't naisip kong ihilera ngayon lahat ng importante at kahit hindi importanteng (basta natatandaan ko) bagay sa buhay ko ngayong 2010. (First time ko nga pala gagawin to!)
January Dawn Worship hindi ako nakaattend kasi late na akong nagising. Nagising ako ng 3am tapos natulog ule ako, nagising ako 7am na, Wow! Nahiya naman ako, ako pa man din ang todo promote sa Facebook nung Dawn Worship. Ayan sa Sunday meron na uleng Dawn Worship. Sana magising na kong maaga nyan. Humabol ako sa meeting ng UCore kung saan kino-confirm na yung mga magi-step up sa service sa Sector servants, ayun, last three months na namen. :(
Mas umiigting yung tensyon sa org nun. Hindi na lang pinaguusapan pero ramdam ko talaga. Maraming pagkakaibigan ang nasubukan, nasira, at tumibay. Sobrang nakaklungkot yung time na to. :(
February Ito yung Valentine's Party ng North A, super masaya, kaso nagkaaberya bandang huli. Pero happy happy pa din. Haha
Ayun UP Fair din. :D Super masaya. Nanood akong UP Fair ng Tuesday with Edmund and Rhea, tapos nung Thursday ako na lang magisa, wow! Nice trip! Tapos nung Friday kame nina Jackie, Mark, Marion, Yami, Ading, tapos sumakay kameng chubibo, hahahaah
Nag field trip kame sa Geog109 sa Anawangin, woohooo! Super masaya! Si Grace tumal pinakamabenta sa lahat. hahaha
GSUPebrero, ang bigat bigat ng kaganapan sa org nun, As in! Alam kong maaayos din ang lahat pero hindi pa sa lalong madaling panahon. Andameng usapin, issues, na gusto ko ng sabihin sa lahat, yung tipong question and answer portion na tapos sorry na each other para tapos na pero hindi, humaba pa talaga sya. After ng GSUP Alumni Homecoming, nagkanya-kanya na muna kameng mga mems para sa mga acads namen especially sa mga ga-graduate. :((
March Habang papalapit na yung graduation, dumadami ang requirements, lalo akong nalulungkot noon kasi paalis na lahat ng kaibigan ko sa department bilang ga-graduate na sila. Nakakalungkot noon kasi napapaisip ako kung bakit hindi ko kinarir ng bongga ang Math and Stat eh di sana kasabay ko din silang gagraduate. Sunud-sunod na ang mga pamatay na requirements lalo na sa thesis, buti na lang ok kame nito financially, as in kahit magkano hingiin ko nabibigyan ako so nagastusan ko talaga thesis ko. Ang haggard pa ng Geog321 ko nun takte!! Pamatay sa requirements, nung una nagsisisi ako kung bakit ko pa sya kinuha pero sulit na din kasi ang dame kong nagamit dun para sa thesis ko.
Sureball pasado ako sa lahat, sa Math100 bumagsak ako pero expected ko na din. So hello summer!!
April ILC!!! Baguio!! Super saya!! Pero nasira yung kasiyahan ko sa ILC! Basta! Alam na ng mga kinauukulan yun! Tapos pagkauwi ko ng bahay eksaktong enrollment na sa summer. Nag-enroll akong summer, Math100. Nung una akala ko hindi ako makakapag-enrol kasi may utang pa ko sa loan board tapos nagulat ako kasi na-release din yung RegMat ko and ayun nakapagenrol ako, eh last day of enlistment na yun, kinabukasan nabayaran ko na din yung loan board ko tapos binayaran ko na din TF ko ng summer.
Ayun, graduation na nila, habang ako sipag-sipagan sa pagaaral sa Math100 na hindi ko pa din maintindihan, sila nagmamarcha na para sa graduation nila. Naalala ko pa noon ayaw na ayaw kong dumadaan sa University Avenue kasi nakikita ko ang mga sunflowers, feeling ko para sa akin yun eh. :( Pero ayun nga, nagsa-summer pa din ako at nung time na yun wala pa akong naipapasa na exam sa Math kong yun, lintek!
Eto din ang isa sa mga pinakabusy na bakasyon, ay hindi pala busy, STRESSFUL!! Yung Rock the Vote. Haaiiiii .. Super stressful yan!! Sumasabay pa sa Math100 ko. Ayoko ng bigyang detalye pa yan. tssss
May Tapos na summer sa Math, ayun bagsak ako. Nakita ko pa sya after kong umattend sa household at pep talk ng A8 Chapter E, kasabay ng pagdarasal nila sa Youth Camp, pinagdarasal ko din yung Math100 ko nun, tapos pagdating ko sa bahay, ayun, 5.0 ako sa Math100, hindi pa talaga nagsink-in sa akin, as in how many days hindi ko pa marealize, pero ang lungkot ko. Siguro kasi nasanay akong maging masaya sa ibang tao, kaya one night pinilit kong umiyak, tinext ko friend ko sabi ko I failed Math, then I cried hard. Then saka lang nagsink in na bagsak talaga ako. :( Tapos kinabukasan wala na ule. :D
Uso na mga youth camps, etc, Nagtalk nga ba ako nun sa mga Youth Camps? Ah yung sa A8, request ko talaga yun, bilang yung Chapter E ay yung dating A6 kaya gusto ko talagang magtalk. Talk 2 yung dineliver ko nun, saya. :)
June Enrolment, sobrang nate-tense akong bumalik ng UP, feeling ko hindi na ko belong sa department, wala na yung mga batchmates ko, wala na din mga kasabayan ko sa org ko. But still, hindi nila pinaramdam yun. Ayun, overload ako, may Math100 ule, tapos I vowed na hindi na magpapabiob sa department. Kasabay ng pagtatapos ng batch ko ay ang pagkahimlay ng aking social life sa UP kaya hindi na ko dumadaan sa PH104 nun, tapos bihira lang sa tambayan, tapos after ng class direcho uwi.
Ito din ang simula ng kalbaryo ko bilang estudyante, as in! Di ko alam kung anong nangyari pero sobrang wala kameng pera. :(( Kung kelan huling sem ko na dun pa ko pinahirapan ng todo, as in todo pahirap talaga. One time pumapasok akong 50 lang pera ko tapos hihiraman ko mga classmates ko etc. Pati yung pinangenrol ko ipinangutang ko pa. Grabe talaga, sobrang nakakalumpo yung buhay ko last sem. Maraming times na din na hindi ako nakapasok sa isang subject dahil late akong nakapasok kasi naghanap pa akong pera papasok.
Bye bye orgs, bye bye household, bye bye social life. Talagang pinanindigan ko ang pagiging anti-social ko nitong sem na to, pero syempre once a social animal remains a social animal kaya paminsan-minsan nakikigulo pa din ako, pero mas madalas mag-isa na lang ako nitong sem na to, at mas gusto ko yun. Feeling ko kasi matagal na panahon akong nasa mundo ng maraming tao, ito yung time na naging kalmado at tahimik ako.
July Pinakamahirap financially, wala na kong maalala maliban pa dito.
August Wala na din akong maalala
September Cheerdance at SectorCon. Nanood akong Cheerdance kasama si Ading, lintek na Ading yan, manlilibre pa daw tapos maling pila ang napilihan, anyhoo, nakapanuod pa din kame at naka-cheer sa UP Pep Squad and yes, champion! woohooo!! :D
Dumirecho akong North A SectorCon after nung CDC, ayun tapos na yung event pagdating ko. Mukang naging Ok naman. :D
October Huling buwan ng sem. Ang pinakahihintay ko. AS IN!!!! Literally everyday of my 1st sem I was thinking of my graduation. As in sobrang gusto ko na talagang gumraduate kaya talagang buhos effrot talaga lahat para lang maipasa ko yung 22 units ko. Naipasa ko yung sandamukal na requirement kay Sir Mel sa Geog321, naipasa ko yung Math100 ko, naigapang ko yung German10 ko, at sakto din yung ibang subjects, in short, naipasa ko lahat. Last week of October nung makumpleto yung grades ko at pumunta ako sa AS101 kay Mam Abad para sabihing tapos ko na lahat! Ayun, pinababalik ule ako sometime in November. But I was so happy and fulfilled then, natapos ko, sweetest fruit of my labor.
November Nothing special. Naaddict ako sa Glee at Vampire Diaries bilang tambay na lang ako ng bahay eh. Nilalasap ko talaga yung pagkagraduate ko as in! Sarap ng walang ginagawa. Yung tipong pagupo ko sa tapat ng PC hindi ako magiisip ng paper, research, goals and objectives sa isang paper, tipong mage-epbi lang talaga ako at eepal sa mga status ng mga tao. Yeah!! Ito din yung naging online na ako parati sa epbi, kasi permanently offline status talaga ako sa epbi ako, ayoko munang may kausap kasi nun, bilang ang dami kong tinatapos na paper.
Official tambay na ko! Super masaya!
December Ayun, dun ko na feel na kailangan ko ng magwork, ang tuyot ng pasko ko, pero acceptance is the key to fulfillment, kaya tinanggap ko na next year na ko magwowork. Masaya pero minsan nakakaburyo na pala. Imaginin mo, I've been studying (hard?) for almost two decades, involved in YFC for almost a decade, and GSUP for three years tapos biglang ngayon wala akong ginagawa?!! Tambay?! Petix?! Ayun, nagsisimula na akong mag-apply apply pero namimili kasi ako eh kaya nahihirapan din ako.
Lantern Parade and Paskuhan. Super saya! :D
=============================================================
So there, feeling ko may mga nakalimutan pa din ako. Pagpasensyahan nyo na. Ngayon ko lang narealize, kaya siguro ang dame kong nakalimutan ngayong taon kasi hindi talaga naging masaya ang taon ko. HAHAHAHA. Puro disappointments ang nangyari, puro sakit, pighati, pag-iisa at kalungkutan. Buong taon ko din itong dinala, kasabay ng pagiwan natin kay 2010 ay iiwan ko na din lahat ng masasakit na alaalang ito. :) Pero I always praise God for all of these. I won't turn into a lustrous and shining diamond if I am not tested from all kinds of pressure and torture. Haaaaii bye bye 2010. Ang wish ko lang ngayong 2011 magkawork ako ng maganda, matino at permanente at magka-girlfriend na ko. :D Pasabay na lang sa pagdarasal nyo ah. Salamat din sa tyagang pagbabasa.