gabriela’s 15 favorite taskmaster contestants >> 13. doc brown (ben bailey smith)


#interview with the vampire#iwtv#amc tvl#jacob anderson#sam reid

seen from India
seen from Malaysia

seen from Canada
seen from Malaysia
seen from China
seen from Italy
seen from Canada
seen from China
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from Japan
seen from China

seen from Türkiye
seen from United States

seen from Malaysia

seen from South Korea
seen from Germany

seen from Italy
seen from China

seen from United States
gabriela’s 15 favorite taskmaster contestants >> 13. doc brown (ben bailey smith)

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
gabriela’s 15 favorite taskmaster contestants >> 12. jamali maddix
gabriela’s 15 favorite taskmaster contestants >> 14. paul chowdhry
gabriela’s 15 favorite taskmaster contestants >> 15. rose matefeo
Welcome to Austin #gftc #gfta carlsbadfoodtours (at Austin, Texas) https://www.instagram.com/p/Bo-suvQH8FD/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=5j119ux0woj9

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Hay nako eto talagang tatay ko sobrang kulit. Aba, nagpaparty nanaman. Sabi ko nga kasi ayoko pang magpakasal, ang bata ko pa kaya, duuh! Pero wala akong magagawa, Hari siya prinsesa lang ako at pagdating ng panahon, kelangan ko ring mamuno sa kaharian, kaya kelangan ko magasawa. Oh eto na nga, nagpaparty nanaman si Papa, so kelangan ko talagang umatend.
Ang ganda ganda ng gown ko kasing ganda ko hahaha. Paglabas ko ng kwarto nakita ko na agad ang mga lalaki sa may hall. Nakapila pa sila base sa mga antas nila! May hari, prinsipe, duke, sundalo at iba pang may kaya sa buhay. Pero as usual, waka akong nagustuhan aba mukhang mga ewan eh. May mukhang balde sa sobrang taba, tapos yung isa sobrang tangkad mukang poste, meron pang sobrang liit mukhang siopao. May isa dun ang putla putla kala mo pader. Tapos yung isa pa sobrang pula mukhang palong ng manok. hahahaha. Lahat sila kinutya ko, e bakit ba? kakutya kutya naman e. Pero yung isa talaga the best! sobrang nakakatawa lol may balbas na mukhang tuka ng ibon hahaha kaya tawag ko na sakanya ngayon Grizzle Beard.
Sya na si King Grizzle beard. Hahaha katuwa.
Pero ayun, tong papa ko na kj, naprovoke, ang sama daw ng ugali ko kasi lahat nalang daw sila ininsulto ko, kesyo lahat nalang daw napansin ko yan tuloy nabeastmode! Sinabi pa nyang papakasalan ko daw yung unang lalaki na pupunta bukas sa malaki naming palasyo kahit mahirap o mayaman, pogi o pangit, malinis o madumi, bahala na daw basta yun yung utos nya. Duuuh?! Pangmayamang pogi lang kaya tong ganda ko.
Masaya na sana ko eh kasi nakapangtrip ako pero nakakaasar kasi si papa eh.
--
Dalawang araw ang lumipas, paggising ko may naririnig ako na tumutugtog sa labas ng bintana. Sumilip ako at nakita ko ngang may musikero at namamalimos rin sya.
Tas naalala ko yung sinabi sakin ni papa kahapon. Baka gawin nya nga pero feeling ko hindi nya kayang gawin yun sakin, ako pa! Pero bago ko sya makausap, nandun na pala si papa tas kinakausap na siya. Sabi ni papa natuwa daw siya sa pagtugtog nung lalaki. Siya ang unang lalaki na pumunta samin. E diba usapan namin ni papa kung sino daw unang pupunta sa palasyo mula noong nagpaparty sya, e yun yung mapapangasawa ko. Edi isa lang ibig sabihin nun. Omg just no! Nagmakaawa ako ng sobra sobra pinagdasal ko pa na sana magbago pa isip niya, pero wala na talaga akong nagawa, sya na napangasawa ko. Ang pangako daw ay pangako, may isang salita daw siya bla bla bla bla. Nakakainis! Sabi ni papa umalis na raw ako sa palasyo kasi nga daw may asawa na ako, kelangan ko na raw sumama sa kanya. Ewan ko kung bakit sya ganun. Baka hindi nya na talaga ko gusto sa palasyo. Aba nagiisa lang kaya ako tas ganun pa ipapaasawa nya sakin? Nasaan ang hustisya?! Umalis na kami.
May nadaanan kaming palasyo na malaki at halatang matibay, tinanong ko tong si boy tugtog kung kanino yun.
Sabi nya kay King Grizzle Beard daw yun. May nadaanan kaming magandang palayan na punong puno ng magaganda at sariwang tanim kay King Grizzle Beard din daw yun. Yung magandang syudad na napuntahan namin sakanya din. Grabe ang galing nya! Kung di ko pala sya ininsulto baka siguro sya pa napangasawa ko. Nakakapanghinayang? Oo, sobra. hays. Pero nangyari na ang nangyari di ko na maibabalik. Nakakapagod maglakad promise, first time yun e! tas yung pupuntahan lang pala namin isang maliit na bahay?!
Tinanong ko kung kanino yun at kung bakit kami nandoon. Isang kamalian pala na tinanong ko pa dahil sakanya at doon kami titira! Ughhh. Tinanong ko kung nasaan ang mga katulong nya pero wala pala. Nakakaiyak. Ang dumi dumi as in! Ang kalat kalat, may mga daga o ano pang insekto tas ang liit talaga! Paano kami magkakasya dun?! Malaki pa nga ata yung kwarto ko sa palasyo namin e. Mas nakakainis pa nung inutusan nya akong maggawa ng apoy para daw makapagluto kami at ako pa ang pinagluluto nya?! Paano nya nasasabi sa isang prinsesa yun? Sinabi ko sa kanya na hindi ako marunong, so sa huli sya parin ang nagluto ng hindi ko alam na pagkain. Kinabukasan ginising nya pa ako ng sobrang aga para maglinis ng bahay. Kainis lang diba? Damit ko nga di ko matiklop e hays!
Ang daming nangyari ngayon, nakakapanghina ang araw na ito.
--
Dalawang araw pa ang nakalipas nang sabihan nya ako na hindi lang puro gastos ang mangyayari sa buhay, kailangan din daw kumayod at magtrabaho para may panggastos. Kaya pinagtatrabaho nya ako. Paano niya nagagawang magutos sa isang prnsesa?! Tatay ko nga di ako mautusan e! Pero wala na akong magagawa. Nakakaiyak talaga grabe! Nakakaiyak sa inis! Pinaggawa niya ako ng basket. Pinakita nya pa kung paano, sa unang tingin madali lang pero dahil nga isa akong prinsesa mahirap yun para sakin. Duuh? Babae kaya ako. Pagkatapos nyang magbilin, umalis na sya para gawin ang trabaho niya. Una tinitigan ko lang pero napagisip-isip ko wala na akong magagawa, baka mamatay pa ko pag nawalan ng panggastos. Kaya sinimulan ko na. Hindi ako marunong sa totoo lang, una sa lahat prinsesa nga ako! Oo paulit-ulit kong magiging rason yun at isa pa simpleng instructions lang iniwan nya sakin.
Sobrang hirap kasi napakatigas nung panggawa ng basket, nahampas pa nga ang mukha ko eh tas nagkasugat pa ako sa daliri. Grabe sobrang sakit. Hindi ko na kinaya. Gusto ko nalang umiyak. Iyak nalang ako nang iyak. Kinahapunan, dumating syang may dalang mga babasaging kasangkapan gaya ng plato, baso, paso, at iba pa. Nadatnan nya kong nakatitig lamang sa patay na apoy sa may chimeneya. Nagalit sya kasi ibinilin nya na bantayan ko ang apoy para na rin sa pangluto namin. Ayun nainis siya. Dahil narealize nya na hindi ako pwede sa paggawa ng basket, ipinabenta nya nalang sakin yung mga dala nya. Naisip ko bigla, pano kung may makakita o makakilala sakin na taga palasyo na nasa palengke na nagtitinda lang sa tabi-tabi. Pagtatawanan lang nila ako. Sino nga ba kasing magaakala na ang isang prinsesa at magandang kagaya ko e pagbebentahin lang kung saan diba? Pero naalala ko yung nangyari sakin nung gumagawa ako ng basket, baka puro sugat lang makuha ko. Mas kawawa naman ako pagganun diba? Kaya sige magtitinda nalang ako, wala namang pake 'asawa' ko.
Napakabait nya diba?
--
Pagdating ko sa palengke ang daming magtitinda sa tabi tabi may nagyaya na dun nalang ako sa tabihan nila pumwesto, nagulat ako sa totoo lang kasi dapat hindi kami magtulangan para hindi agawan ng mamimili pero tinanggihan ko pa rin dahil gusgusin sila. Naghanap nalang ako ng sarili kong pwesto. Yung malinis at maayos. Nakatungo lang ako nang may lumapit at bumili pero sa totoo lang nagbabayad lang sila at hindi kinukuha ang paninda. Hindi ko rin naman alam ang presyo nung mga tinitinda ko eh. So go with the flow na ako. Pagkatapos nun ay nagsunod sunod na ang mga bumibili.
Natutuwa ako kasi ang babait nila. Madali lang pala to eh! Kaso may biglang dumating na sundalong sakay ng kabayo at dinaanan lang yung mga paninda ko kaya nabasag ang mga ito.
Nakakaiyak sobra. okay na sana e kaso epal talaga yung sundalo! Pagkauwi ko sinabi ko ang nangyari sa aking asawa, nainis sya kasi dun daw ako pumwesto kung saan delikado. Aba ako pa ang sinisi! Sinabi kong may gustong magtabi sakin kaso nga lang mga gusgusin sila kaya tinanggihan ko. Lalo lang siyang nabadtrip. Sinabihan nalang nya ako na sa palasyo nalang ako magtrabaho.
Sa palagay ko wala na akong magagawa pa.
-- Nagtratrabaho na ako sa palasyo bilang katulong sa kusina. Mahirap kasi hindi ako sanay sa mabibigat na trabaho. Isang beses nga habang nagbubuhat ako ng inigib kong tubig, nahimatay nalang ako bigla at talaga namang ikinagulat ko ang ginawa ng mga kasamahan ko. Hindi lang nila ako tinulungan na maging maayos ulit kundi pati trabaho ko ginawa na nila. Ang babait nila.
Pagkauwi ko sa bahay napansin ng asawa ko ang pagiging magana ko sa pagkain. Sinabihan nya rin akong maghanda para sa kinabukasan sa mga gawain sa kusina dahil may okasyon. Tinanong ko kung anong meron. Ang sabi niya para daw sa kasal ng Haring Grizzle Beard. So ikakasal na sya?
Doble kayod nito kami bukas. sobrang nakakapagod yun. hays. -- Ngayon ang araw ng kasal ni Haring Grizzle Beard. Madaming gawain sa palasyo. Nagpupunas ako ng sahig para mas magandang tignan. Doon nasilip ko ang silid kung nasaan ang mga panauhin. Ang dami nila. Napakagaganda ng mga suot nila, marami ring pagkain na nakahain at napakasaya nila.
Sobra akong nainggit. Naalala ko nung mga panahong nandoon pa ako sa palasyo namin, nung nakakapagsuot pa ako ng magagandang damit at nakakakain ng masasarap na pagkain. Kumpleto rin ako ng gamit. Lahat ng gutso ko natutupad. Sunod na sunod ang mga luho ko. Naiiyak ako sa mga naiisip ko. Nawala lang ako sa iniisip ko nang makita ko ang asawa ko. Tinanong ko sya kung bakit sya nasa palasyo. Sabi niya para daw sa kasal ng hari. Tinanong ko kung may imbitasyon bang ipinadala sankanya. Malay ko ba kung tropa nya si Haring Grizzle Beard. Sabi niya naman, "Wala, hindi na kailangan dahil kasal natin to." Hindi ko siya naintindihan. Aba may amats ata tong asawa ko e.
Pero nang tinaggal niya ang suot nyang balbas, dun na ako napanganga!
Peke pala yun, bakit hindi ko napansin??? Ayun, si Haring Grizzle Beard pala ang nasa harap ko. Teka?
Nabitawan ko ang dala kong gamit panglinis dahil sa pagkagulat. Ibig sabihin si Haring Grizzle Beard pala ang musikerong si boy tugtog, ang may ari ng lahat ng nakikita ko simula nung dumating ako sa lugar na to, ang may ari ng maliit na bahay, ang nagpagawa saakin ng iba’t-ibang trabaho at higit sa lahat ang asawa ko. :o Tinitigan ko sya ng matagal at marahil napansin nyang naghihintay ako ng ekplenasyon. Aba baka joke lang to e. Ipinaintindi nya saakin ang mga bagay na mali ako, ang pagiging mayabang, mapanlait at mapagmataas ko. Ipinaintindi niya ma hindi porket mayaman at mataas ang pinanggalingan ko sa buhay ay may kakayahan na akong manghusga at maging mapagmataas sa kapwa ko. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit nya pinagawa saakin ang mga bagay na hindi ko pa nagawa kailanman. Isa isang naglabasan ang mga panauhin at kasamahan ko sa kusina, isa isa nila kaming binati.
Grabe talaga nakakagulat, nasorpresa ako ng sobra. Natutuwa akong malaman ang totoo at nangyari pero may kaunting pagkalito parin. Sabi sakin ng asawa ko wag ako magaalala dahil nahingi nya naman daw ang consent ni papa para sa kasal namin. Aba ang bilis ah! Sobrang saya namin lalo na ako, sulit ang bawat hirap at pagod ko. Marami akong natutunan dahil sa kanya. Ito na ang pinakamasayang araw ng buhay ko! Mapapa-OMG ka nalang talaga hahaha. Hanggang dito nalang muna. :)
-Elena
Thank you nga pala kay Alexie at Franchesca for letting me share my story. Sana may matutunan ang mga makakabasa neto. Hihi. Love you both. <3
Thank you nga rin pala sa youtube para sa mga pictures lol kapagod puro screenshiot hahaha
Credits to youtube:
https://www.youtube.com/watch?v=KGfjAmxSZNs
https://www.youtube.com/watch?v=4-DfqLh8AJA
https://www.youtube.com/watch?v=YTbsfDcK-v8
Mula sa kwento ng Brothers Grimm. Tale number 52. :)
Gadget for the Caveman 1. All the hardware before it went into the base.
É só eu que sinto ciúmes das minhas frases?