Throwback
Yung "seminar season" namen.
Ito rin yung mga panahong hindi ko pa kilala ang makeup kaya Haggardo Versosa 24/7 si mami. Pahirapan din talaga for me ang humanap ng formal/business attire kase wala naman akong extrang pambili at ayokong dumagdag gastos pa para lang sa mga seminars na hindi naman ginaganap every month. At since wala ngang pambili ng attire si mami, wala din akong pambili ng relo kaya yang bracelet na yan, sa kapatid ko pa yan. Nasa 30php ata bili niya diyan. Hahahahaha nahiram ko pa nga. Pati yang slacks ko, nilabhan ko ng mabuti yan. Buti nalang kasya saken yung slacks ng nanay ko nung dalaga pa siya, nagamit ko pa nga.
Ang weird lang na sa mga seminars namen na ganto sa school, dito kame pwedeng magflatshoes. Pero pag regular school days, kailangan naka heels. Na para bang hindi nakakatrauma sa pang iipit yung elevator, at madaling umakyat sa mga higher floors ng buildings ng nakaheels.
Ang nipis ko den talaga dito, yawa. π














