All I want to say is that I missed you so much
Lagi ko nalang siya hinahanap ngayong araw. Gusto ko lagi ko siyang nakikita kahit di kami magusap, pero mas maganda na yung maguusap kami (pero di nangyari). Ang tagal kong pinag-isipan yung gagawin ko (na sa huli, ginawa ko rin naman) na yayakapin ko lang siya, pero walang imik. Di ko na kasi kaya eh, miss na miss ko na siya. Hindi naman siya lumalapit sakin, kaya ako na una (ulit at lagi nalang). Habang pinag-iisipan ko yun, ang dami nanamang pumasok sa isip ko. Pano kung masanay siya na ako lagi unang lumalapit kahit siya yung may kasalanan? Pano kung isipin niya na okay na ang lahat kahit di man lang siya nageffort? Pano kung isipin niya makikipagbreak ako sakanya kaya ganun kilos ko? So ayun nga, pero sabi ko sa sarili ko, 'isang hug lang naman' kasi hindi ko na kaya. Ako nahihirapan sa ginagawa naming walang imikan, dedma lang or cool off. One week na, or 6days and some couple of hours exactly since yung cool off namin. At the end, ginawa ko na, niyakap ko siya (di ganun kahigpit kasi may body brace ako) at natuwa naman ako, may response siya, niyakap niya din ako. Nagbilang ako, 6 seconds (nasa labas kasi kami ng room, baka may makakita samin) tapos bumitaw na ko sabay baba na. Pero nagke-crave pa ko. Sobrang namiss ko yung yakap niya. Sobrang namiss ko siya.
Bumalik nako ng room after an hour, nakita kong tulog sila, kasama siya. Gusto ko lang lumapit sakanya and watch him sleep. But same questions pa din. So lumapit ako sa mga kaibigan ko muna, tapos sabi ng isang kaibigan ko "gawin mo na kung di mo matiis" so ayun. (Yun lang ata yung advice na sinunod ko eh. Lol. :)) So ayun, lumapit ako sa tabi niya sa bandang ulo, tas nagising siya tiningnan ako, nginitian ko lang siya. Tas balik tulog na ulit siya. Nung mga time na yun, nagwiwish ako, Sana kausapin mo na ko, ikaw na unang magsalita. Pero di na dinig yung wish ko. Okay lang. Tas nakita ko siyang nahihirapan sa unan (bag ni Rical) niya, kaya ginawa kong unan yung hita ko. So nakahiga siya sa hita ko tas nilalaro laro ko lang yung buhok niya, tinitingnan ko siya matulog. Nung medyo umingay na dahil madami naring umakyat, nagising siya at pinipilit matulog ulit, pero di siya nakatulog. So awkward moment namin yun, hinawakan niya yung kamay ko. Nagka butterflies ulit yung tyan ko. Eto yung effect lagi paghinahawakan niya kamay ko, kahit di first time. Tas hinigpitan niya lalo yung hawak sa kamay ko. Sana ganito nalang tayo lagi, Raffy. Sana ganito nalang lagi nararamdaman natin sa isa't-isa. Pero nakapikit siya nun, at medyo naka-snuggle sa tyan ko. Mahal na mahal kita, Raffy. Tandaan mo yan. Wala akong pakielam sa mga sasabihin nila. Sana huminto nalang yung oras, yung feeling ko nung, ayaw mo ko mawala. Sana ganun nalang lagi naiisip at nararamdaman ko sayo. Sana lagi mo pinapakita ayaw mo ko mawala sayo. So ayun, nagstay kami ng ganun for few minutes at bumalik na rin sa mundo.
Ang daming nagtanong kung okay na daw ba kami. Di ko alam sasagot ko. Pero para sakin, magiging okay na talaga kami pag nagsorry siya  ng personal. Yun lang gusto ko marinig sakanya. Sorry. Tatanggapin ko ng buong puso. At papatawarin ko siya ng buong puso. Pero ginawa ko yung mga bagay na yun kasi gusto ko iparamdam sakanya na miss na miss ko na siya, na hindi ako gigive up sa amin, at mahal na mahal ko siya.
Isa pa, kulang pa eh. Mahal na mahal kita Raffy Clint Ignacio.

















