JGH. Failtrip! (Fieldtrip)
Kahapon pa lang, parang tinatamad nako sumama sa Fieldtrip. -_-" Tas kanina kinakabhan ako tas wala pa sa mood. Pero nung dumating kami sa Barasoain, bago bumaba ay grabe may nakita akong nakangiti mula sa kabilang bus. At yun inaasar sakin ng kaklase ko. Grabe ha? Ngiting ngiti? Masyadong gwapo nakakamatay. Jk! Bumaba na rin kami sa bus tapos pumunta dun sa Light & Sounds tsutsu. Pagkatapos nun. Ay kaklase ko nga naman tinawag yung ka-batch namin na inaasar ako. Tas bigla ba naman nagpapicture? Remembrance daw?? (sure akong ang panget ko sa picture nakakagat labi e). Kasi naman biglaan medyo naeewan ako. (-_-) Waaaaa tas ayun papunta na kami sa Clark, Pampanga sa Nayon Pilipino. Imbaaaaaa. Kaibigan ko talaga di ako titigilan dun sa lalaking yun? Paano na lang kapag nainlove ako? O.O Di pwede yun. Nahuhuli ko yun paminsan nakatingin sakin. Owsheee. Nakakahiya sabihin tinitignan ko siya. Napapatingin lang ako paminsan pag napadaan yung pningin ko tas madadaanan siya bigla na lang namamagnet. O.O Omygod. Pagkatapos non madaming nangyari. Pumunta kami sa Zoocombia then Paradise ranch. Waaaaaa. Nung pauwi na kami dun lang ako naging masaya. Grabe dami kalokohan ng teacher ko at mga kaklase ko. Nung pauwi na kami. Nakita ko yung inaasar sakin. Waaaaa. Umapir siya sa kaibigan ko tas lumagpas na nakataas pa rin kamay niya eh ako yung kamay ko nasa muka ko. Nakita ko siya nag-sad face. Waaaa nakakagulat kasi eh? Ewan ko bang gusto niyang makipag-apir sakin. Diba? Share. :)


















