Aking mahal, hindi ko alam kung bakit pero hanggang ngayon ay patuloy kitang naiisip Hindi ko alam pero nandito padin ang sakit Maging puso't isipan ko'y sumasakit kakaisip Akala ko kaya kong kalimutan ang nararamdaman ko pero hanggang ngayon, naalala ko padin ang bawat sandali Sabi ko, kaya kong kontrolin ang nararamdaman ko Pero nagkamali ako, dahil aking hiling ay makita ka kahit sandali Masakit malaman na nauna kang naglimot ng nararamdaman para sakin At kasing hapdi ito ng sugat na nilagyan ng asin Kailan ka ba babalik sakin? O sadyang ayaw mo na sakin? Ano bang pagkukulang ko at ikaw ay nawalan ng gana? Lahat naman ginawa ko, ngunit walang gumana Minsan iniisip ko kung minahal mo nga ba akong talaga Dahil noon pa man ay hindi ka naman talaga naging masaya Saan ba ako nagkulang para iwan mo ako ng ganito? Bakit tayo nagkaganito? Sabi mo wala akong pagkukulang Ngunit ako mismo ay may kulang. Anong gagawin ko ngayong wala ka na sakin, sa tabi ko? Sabi ko sa sarili ko, kakayanin ko din ito Pero bakit sa pagtapos ng araw ay ikaw padin ang naiisip ko? Ano bang gayuma ang ginawa mo at ako'y naging ganito? Bawat araw, pinipilit kong kalimutan ka Ngunit napapaisip ako, ikaw ba ay tuluyan nang nakalimot na? Ganoon nalang ba kadali para sayo ang kalimutan ang lahat Na para bang kasalanan at pagkakamali lang ang lahat? Alam ko mahal, sinabi ko noon sayo na pag ayaw mo na ay iwan mo ako Hinanda ko ang sarili ko, ngunit hindi ko akalain na ganitong wasak ako Wasak sa biglaan mong pagbitaw sakin, sa atin Ngayon wala na akong matatawag na akin. Kahit anong pilit ko, nasasaktan padin ako sa mga binitawan mong salita Salita na alam kong hindi na mawawala sa'king sistema Na kahit anong gawin ko, sayo ay wala akong balita At sinasabi ko sa sarili ko na tama na Ano pa nga bang magagawa ko para ako'y iyong kausapin? Hindi pa ba sapat ang aking pagpapapansin? O sumobra na ako kaya ayaw mo na akong kausapin? At dahil gusto mong lahat ng sa atin ay iyo ng tapusin? Sabi mo sakin tayo'y magkaibigan ngunit bakit ngayon ay ayaw mong pagbigyan? Talaga bang ayaw mo na sakin, aking mahal? Wala na ba talaga kahit kakaunting pagmamahal? Minsan naiisip ko na sana ako'y mapinsala Nang sa gayon aking sakit na nadama ay mawala Ngunit kahit anong gawin, hindi ko ito masawalang bahala At ngayon nga'y nakikiusap kay bathala. Bathala, bakit po nauwi ang lahat sa wala Paano na ngayon ang puso kong nawawala? Anong plano mo at kami'y humantong sa ganito? Kailangan ko pa bang mag alay ng ginto? Siguro nga'y hindi tayo ang para sa isa't isa ngunit bakit minsan tayo'y pinagkaisa? Sana sa simula palang ay hindi na Upang hindi na ako nasaktan pa. Ito na marahil ang huling sandali Ngunit ika'y hindi na kailan man mananatili Mananatili sa aking piling At ito na ang aking huling hiling. Sana aking mahal, ikaw ay masaya sa desisyon mo Alam ko ay masaya ka dahil wala na ako sa buhay mo Naisip ko na ako'y iyong isang malaking pagkakamali lang At ang lahat sa atin ay hanggang dito nalang. Paalam aking mahal, aking huling salitang bibitawan Gaya ng ginawa mo sakin nung ako ay iyong bitawan Mahirap, masakit, malungkot ngunit kailangan tiisin Dahil mula ngayon hanggang kasalukuyan, wala nang sa atin. Pipilitin ko kahit na masakit Mawala lang ang poot at sakit Dahil ika'y wala nang malasakit Sa ating dalawa, tadhana ang balakid. Mahal ko, walang magbabago Ika'y aking mahal, hindi ko yon maitatago Pero ito na ang huling pangako Huli na to, pangako. Paalam aking mahal.