asan ka na?
sa pagmulat ng aking mga mata
ikaw agad ang nais kong makita
ang iyong ngiti na walang kasing ganda
ang nais kong masilayan sinta
halakhak mong mistulang musika sa pandinig
patuloy na sa akin ay nagpapakilig
nais kong mahawakan ang iyong kamay
at ibulong sayo na ako ay iyong karamay
hihintayin ko ang iyong pagdating
kahit wala pa itong kasiguraduhang dadating














