Sabi-sabi po...
Nakakainis yung mga taong nagsasalita ng tapos ta's biglang sa huli, aminado din naman siya na di niya kayang gawin yung sinabi niya. Parang nakakabastos sa konsensiya mo kasi ikaw na nga itong nayabangan/nasaktan/natapakan/nagdamdam dahil sa mga sinabi ng taong yun tapos sa isang iglap lang, di mo na alam yung mafi-feel mo kung papatawarin mo ba o hahayaan mo nalang na maging miserable sila. Diba? Diba? Siguro (siguro lang, kasi baka may iba pa ding tao ang nakakaramdam) na isang malaking biro na maituturing ang mga ganoong eksena. Kasi naman, kung magsasalita ka ng tapos, i-try mo namang panindigan. Pinili mo yan eh, tapos pag di mo kaya iiyak-iyak ka na. Or at least, di ka nalang sana nagbitaw ng mga salitang di ka sigurado kung magagawa mo ba talaga. May freedom of expression naman para sabihing "Ayaw ko na" at "Gusto ko pa". Wag mong tapusin agad sa tuldok, lagyan ng kuwit hangga't maaari. Maging valid na reason kaya pag sinabi mong: "Sorry na, mga 3 times ko lang pinag-isipan yung nasabi ko sayo eh. Yaan mo, next time 20 times ko nang iisipin." Ge Bye.















