Ganun talaga ang buhay ng tao walang maayos laging may gulo pero tama lang daw yun para matuto. Yung tipong may mga bagay na di mo inaasahan, na akala mo yun na yun pero hindi pala. Mga bagay na maayos na pero sa huli masisira lang din pala. Mga bagay na maayos ang ikot sabay mabubuhol sa dulo. Na akala mo okay na lahat pero hindi pala. Na akala mo kumpleto na pero may kulang parin pala. Na akala mo masaya kana, pero hindi padin pala. Na hindi lahat nang inaakala mo, na inaasahan mo, na ang iniisip mo ay magkakatotoo. Masakit diba. Magulo diba. Pero ganun talaga eh, parang bilog lang yan, ikot-ikot lang.











