8.4.14 - Dorm, college, and mehs.
Namimiss ko 'yong dating roommates ko. Dati kasi may dinner dates kami. Tipong one night, irereserve namin para sa aming lahat. Tapos, random kwentuhan, gano'n. May times pa na kapag 'di nakasama 'yong isa, itetext namin ng itetext para lang makapunta. Maging ganito din kaya kami ng roommates ko?
Hi, guys! Pasukan na naman namin. Ang haba ng bakasyon ko, 'no? Pero, meh, wala naman akong ginawa masyado. Ni hindi ko nga nagawang makapag-driving lessons kasi sobrang busy 'yong parents ko. Maski umuwi sa probinsya, 'di ko nagawa. Kaiyak. Jk, daming arte.
So, dahil umpisa na naman ng pilahan bukas, nasa dorm na ako. Yay? Not really. Kung noong mga nakaraang araw sobrang excited ako dahil:
Makakatakas na ako sa requirements ng kapatid ko.
Malalayo na ako sa mga kapitbahay naming drug addict.
Wala nang magsisisigaw dahil sa'kin. At,
Malapit na ako sa McDo, National Bookstore, Starbucks, etc.
Ngayon, hindi na. Gusto ko nang umuwi. Charot. Pero, namimiss ko na kasi talaga si mommy at daddy. Kanina nga umalis ako ng bahay nang wala si mommy para 'di na ako umiyak sa sasakyan tapos bigla ba namang tumawag kay daddy. Kainis, umiyak tuloy ako sa harap ng tatay ko. Tapos, si daddy naman, triny akong patawanin. Ang daldal kanina sa sasakyan. Dati naman, kapag byumabyahe kami, ang dinadaldal lang niya 'yong mga kailangan kong malaman sa pagddrive. Pero kanina, pati kanta sa radyo, tinatawanan. Eh, 'di lalo naman akong umiyak.
Nakonsensya ako bigla kasi nga sobrang layo nang loob ko sa kanila noong nakaraang mga buwan. Sorry naman daw kung nadepress ako ng bongga sa grades ko, 'di ba? Dagdag mo pa sa mga nakakakonsensya 'yong pinagdorm nila ako sa Katipunan kasi mas safe daw kaysa sa KNL kahit na doble 'yong bayad.Â
Namiss ko din bigla 'yong dalawang bby ko. Magiging madalang na lang kasi ulit 'yong asaran namin. Â Wala na din silang nanay-slash-tatay-slash-ate kapag busy na ulit sila mommy. Sino na ang gagawa ng homeworks ng bunso namin? Sino na ang magiging Math tutor ni Darren? Charot, ang drama. But, seriously, I will miss my bros. Kasi, kahit na they're always there to annoy me, nandiyan din sila to make my day. Pero, sa tingin ko, okay na din na malayo ako. Kasi, alam kong pag-uuwi ako, may matatanggap ulit akong hugs and kisses, plus, 'I miss you, ate' lines.Â
Anyways, move on na tayo kasi kanina pa ako naiyak. Nakakahiya kay roommate kapag napansin niya. Haha.
By the way, 'yong roommates ko nga pala ay isang Atenista, isang student from somewhere near Katipunan -- nakalimutan ko kasi 'di ako familiar, at isang Koreana na aalis din naman sa October. Yep, wala akong roommate na taga-UP, pero may tatlo sa ibang room. Medyo 'di ko pa sila nadadaldal kasi 'yong isa sa Friday pa talaga dadating, 'yong isa alam kong 'di kami magkakaintindihan, at 'yong isa, busy kasi, siyempre, kalagitnaan na ng sem nila. Plus, graduating kaya 'di dapat iniistorbo. Pero, napansin ko na 'di totoo 'yong stereotypes tungkol sa mga Atenista. Ang bait ni ate, eh. Mas maarte pa nga ata ako sa kanya. Hehe.
So, ayon nga, third year na ako bukas, pero first year standing pa din, because ang tamad kong student noong nakaraan. Pero, ngayon, dorm-school-org activities na lang muna ako. I have to pass Math 55 and CS 12 this sem para 'di ako matanggal sa department at sa college namin. At, para naman mag-second year standing na ako, 'no. Although, I might leave the country even before second sem happens.
Yep. I might leave the country, soon. Ang priority date kasi namin ay March 2004, and according to travel.state.gov, the embassy will be processing papers with October 2003 priority dates this month. But, who knows? Malay mo, 'di na naman umusad 'yon sa dami ng mga ipr-process na naman nila. But this is actually why I'm trying to interact more with my friends lately. Hindi pa naman sure, but still, I have to make the most out of my 2014 para wala akong pagsisihan kapag bigla na lang dumating yong araw ng flight namin, which is more or less than 5 months from now.Â
So, it's 1:55 AM and I need to sleep, because I still have to go to our department tomorrow. Hindi pa ako pwedeng mag-enlist ng subjects, but I have to be there for my readmission. And, tambay na din. Kailangan naming magtipid ng kuryente sa dorm, so I can't stay here forever. Plus, I miss my orgs, too. Pagplaplanuhan ko na din kung anong mga pipilahan ko sa Tuesday, because I have to enlist 5 more subjects (and a PE, maybe?) to have 18 units.Â
Actually, 'di ko alam kung ba't pa ako nag-aaral ngayong sem. Uulit din naman ako ng isang taon sa high school, 'di ba? Haha, jk. I have to do this for my mom and dad. Ang mahal na nga ng tuition ko, 'di pa ako magtitino, 'di ba? Plus, for myself na rin. I've been running away for so long. I'm eighteen, even though people think that I'm sixteen, and turning nineteen in few months, so I really have to be responsible, y'know.
TL;DR? Ayos lang naman kahit 'di niyo basahin lahat. I actually posted this for my bff and our barkada. Balita ko kasi he still checks my blog kapag may oras siya. Hahaha. Pero, kung binasa niyo, thank you, sobra. Love you, guys.Â











