Ano ang kasunod ng Paglaya?
Mga gabing hindi mapakali
isip at imahinasyon kasabay
ng aking mga kamay at daliri
Walang humpay at awa sa akin
kung saan-saan nakararating
ngunit walang patutunguhan
Ganado ang mga kamay sa pagguhit at sa pagsulat
Ganado rin ang kanyang imahinasyon
sa paglalakbay upang makalikha ng isang obra
Ngunit kung gaano kagaslaw, kakibot at kalikot ang mga ito
Lahat ‘yan ay walang saysay
dahil walang direksyon at katapusan na patutunguhan
Tulad ng mga atomikong asoge (helium)
sa loob ng isang lobo mala-timbulan
Sumabog man at makawala ang mga ito
Ngunit kanya-kanyang namang karipas
Ang kanilang kalayaan ay nawalan ng saysay
dahil nawalan silang lahat ng direksyon
Ang kalayaan man ay may pangangailangan —
Patutunguhan, pagtanaw sa hinaharap at direksyon. . .












