Biglaan.
Maraming bagay sa mundo ang nabibigyang halaga kapag nakatunog kang mawawala na ito ng lubusan.
Tulad ng pera o pagkain.Â
Magtitipid ka lamang kapag nalaman mong kokonti na.Â
‘Diba dapat sa simula pa lang e pinapahalagahan na dapat ang mga bagay bagay para pag dumating ang point na biglaan itong nagkaron ng problema eh handa tayo sa mga posibleng mangyari?
Parang pag ibig.
Yung mga hindi mo inexpect na darating at bigla na lamang sumulpot, yan yung mga kadalasang nagkakaroon ng magandang bunga.
Mahirap nga lang sa umpisa pero sure ako, kapag nalagpasan nyo yan, ang ganda nyan.
Sana itong tinatahak kong landas ay ayon sa mga sinabi ko sa taas.
Mahirap pilitin ang isang bagay lalo na pagdating sa tao. Pano ba naman kasi, hindi naman nya inaasahang gagawin o sasabihin mo ang nararamdaman mo ng biglaan. Ang tanong nga lang eh, anong gagawin mo para mabago ang sitwasyon nyong dalawa ngayong iisa lang ang naiisip nya sa tuwing kakausapin mo sya: Ang umiwas?








