Ang hirap pag mismong pamilya mo yung toxic sa buhay mo.
Ang hirap pag dumating ka na sa punto ng buhay mo na talagang hindi mo na kayang makisama sa kanila dahil magkakaiba na kayo ng pananaw sa buhay.
Nakakalungkot lang na mismong pamilya mo ang naging dahilan para malugmok ka sa depresyon. Na sila ang naging dahilan bakit ka nagdevelop ng anxiety habang lumalaki.
Ang mahirap sa sitwasyon ko, hindi ako pwedeng magrebelde dahil meron silang bagay na balang araw ay kakailanganin ko. Kaya kailangan kong magtiis.
Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa to matitiis.















