Sadyang mapaglaro ang tadhana
Kala mo sya na, ngunit nagkamali ka pa
Kala mo, mahal ka nya pero hindi pala
Naniwala sa mga sinambit ng kanyang dila
Umasang handa na sya, umasang ito na
Bakit nya ginawang paasahin ka?
Bakit nya sinabing mahal ka nya?
Bakit hindi sya nakipag usap sayo?
Bakit sa kanya umikot ang mundo mo?
Maaaring naging bulag at bingi ka
Sa mga pulang senyales sa daan
Hindi mo binigyang pansin diba?
Ngayo'y natapilok ka sa hagdanan
Bakit mo hinayaang mahulog ka?
Bakit mo piniling mahalin sya?
Bakit mo hinayaang umiyak ka?
Bakit mo pinilit ang sarili mo sa kanya?
Masakit diba? Sobrang sakit pero totoo
Ginawa mong tanga ang sarili mo
Naghintay ka nang matagal sa kanya
Pero kailan ma'y hindi sya magpapakita
Bakit nya pa hinayaan na paibigin ka?
Bakit sa iba pa pinana ng kupido?
Bakit hindi na lang ikaw ang pinili nya?
Bakit kahit mahal na mahal mo sya,
Kailan ma'y hindi ikaw ang nais nya
Siguro nga, sya lang ang makakapag sabi
Kung pwede lang nyang harapin
Kung pwede lang nyang sagutin
Ang lahat ng bakit, lahat ng pighati
Sana maging handa ka sa mga sagot nya