Ang sakit lang na puro discouragements yung mga maririnig mo. Gustong-gusto ko tlagang magCivil Engineering pero syempre dahil may board exam yun, may retaining policy na naman. Natatakot akong bumagsak ulit. Natatakot akong madisappoint na naman. Masakit mabigo. Kaya naman ako, nagtatanong tanong sa mga close friends and acquaintances kung okay bang magCE. Pinakanasaktan ako nung sinabi ng isa sa mga kachurchmate ko na 'MagcCE ka eh diba sa college algebra ka nga bumagsak'. Ya right. Oo nga pala, yun nga pala yung ikinatanggal ko sa Accountancy program. 2.75 ang grade ko dun at hanggang 2.25 dapat in order to remain in the program. I was slapped by reality and it hits so hard. At the end of this day, should I push myself to that course?











